^

PSN Opinyon

Nanganib ang lisensiya dahil sa inabusong asawa (Part 1)

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ANG kasong ito ay tungkol kay Atty. Manny Castro at sa asawa niyang si Tina na sangkot sa pang-aabuso na naging­ dahilan kung bakit nasampahan ang abogado ng kasong administratibo para sa disbarment pati na rin ng kasong kriminal (violence against women).

Ang tanging tanong sa kaso ay kung tama ba na ang away ng mag-asawa ang maging isyu ng pagtanggal ng kanyang lisensiya o disbarment?

Kasal sina Manny at Tina ng 21 taon at mayroon silang apat na anak. Sa umpisa ng kanilang pagsasama ay hindi sila nagkaroon ng problema. Pero limang taon matapos nilang ikasal, nang maging abogado si Manny ay nagbago ang lalaki. Naging abusado at iresponsable. Sinasaktan si Tina hindi lamang pisikal kundi pati emosyonal at sikolohikal.

May anim na insidente na binanggit si Tina kung saan pisikal siyang sinaktan ng mister. Pero sa mga nilarawan niya, ang pang-anim at pangsampung beses lang ang tala­gang napatunayan ni Tina.

Sa unang insidente, sinakal, tinulak at sinuntok ni Manny si Tina sa likod dahil sa mainitan nilang pagtatalo sa pera sa harap pa mismo ng kanilang dalawang anak, nanay ni Tina, kapatid na lalaki at babae.

Inulat ni Tina ang insidente sa pulis na naglabas ng blotter at nagpasuri rin siya sa isang doktor kaya nagkaroon ng medical certificate. Ang blotter at medical certificate ang ginamit na ebidensiya ni Tina laban kay Manny. Inamin naman ng lalaki ang ginawa pero ang palusot, naubos lang daw ang pasensiya nito.

Ang sumunod na insidente ng pananakit ay nangyari pagkaraan lang ng pitong buwan nang suntukin ni Manny si Tina sa kanang mata dahil sinundan ng babae ang mister sa opisina nito para kausapin.

Nagalit si Manny at pinag-isipan siya nang masama kaya ito ang nagbunsod kay Tina na magsampa ng kaso ng pananakit. Apat na litrato rin ang pinakita ni Tina na nagpapakita sa blackeye na tinamo.

Pero sa bandang huli, nagbago ang isip ni Tina at hindi na itinuloy ang pagsasampa ng kasong administratibo sa Integrated Bar of the Philippines (IBP).

Ang rekomendasyon ng Investigating Commissioner ng IBP ay ibasura ang kasong administratibo pero binaliktad ito ng IBP Board of Governors. Isinantabi ang rekomendasyon at ang ginawang hatol ay tanggalan ng lisensiya si Manny.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with