^

PSN Opinyon

Balik ECQ

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MULA Agosto 6-20, isasailalim sa ECQ ang National Capital Region (NCR) dahil sa tumataas na bilang ng Delta variant. Dahil dito, agad napuno ng mga tao ang groceries at super­markets. Nag-panic buying agad na tila likas na sa lahat ng tao.

Agad namang naglabas ng mga patnubay ang gobyerno hinggil sa nakatakdang ECQ. Hindi ito ang ECQ na naranasan natin noong Marso hanggang Mayo ng nakaraang taon. Bukas ang mga grocery at supermarket bagama’t lilimitahan ang dami ng tao sa loob, bukas ang mga botika, may delivery at courier na serbisyo, pati mga banko ay bukas bagama’t hindi kumpleto ang tauhan sa loob.

Ganun pa man, ang mga dapat makalabas ng bahay ay kailangang may wastong dahilan tulad ng pagtungo sa ospital o magpa-dialysis o bumili ng kinakailangang gamot. Hangga’t maaari ay magpadeliber na lang ng mga kailangan sa bahay.

Hindi puwede ang pagtitipun-tipon ng tao kahit sa simbahan. Bawal muli ang kumain sa mga restaurant at take-home lang ang papayagan. Babantayan din ang paglabas-pasok sa NCR mula sa mga lalawigan.

Naglabas kaagad ng paalala si PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na ang pananakit o pinapahiya ang mga mahuhuling lumalabag sa ECQ ay hindi bahagi ng kanilang mandato. Dapat ang mga nakaraang PNP chief ang pinagsabihan ni Eleazar.

Mukhang sanay na rin ang mamamayan sa ganitong sitwasyon. Hindi rin talaga maipatupad ang mahigpit na lockdown tulad ng nakaraang taon dahil na rin sa ekonomiya. Maraming negosyo ang nagsara na at marami ang nawalan ng trabaho.

Naiintindihan ko naman na kailangang kumita pero hindi rin dapat isantabi ang peligro na dulot ng Delta variant. Kung payagang magbukas ng todo ang lahat ng negosyo at tumanggap ng mga parukyano kung saan ang pagkalat ng COVID naman kapalit, mahirap timbangin iyan. Madaling magsalita hanggang sa magkasakit na.     

Kaya gamitin ang dalawang linggong ECQ para manatili na muna sa bahay. Sana ay maging matagumpay ang pagpigil ng dami ng Delta variant. Magpapatuloy pa rin ang pagbabakuna ng mga LGU pero dapat maayos para hindi rin magkahawaan.

Panawagan na rin ito sa mga pagdududa o pag-aala­ngan sa pagbabakuna. Ito pa rin ang magandang protek­syon at laban sa COVID. Huwag maniwala sa mga maling impormasyon.

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with