_ngayon
^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag manakot, sa halip pagbabakuna ay pabilisin

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Huwag manakot, sa halip pagbabakuna ay pabilisin

Lagi nang nagbabanta o nananakot sa mamamayan si President Duterte. Isang buwan na ang nakararaan, nagbanta siya na ipakukulong ang mga hindi magpapabakuna at noong nakaraang Huwebes, binalaan niya ang mga hindi bakunado na huwag lalabas ng bahay. Ano ba naman ito? Lagi na lang nag­babanta. Sa halip na bilisan ang pagbabakuna, pananakot ang laging bukambibig.

Sabi ng Presidente, aatasan niya ang mga pulis at kapitan ng barangay na limitahan ang paglabas ng mamamayan na ayaw magpabakuna. Uutusan daw niya ang mga pulis na ibalik sa bahay ang mga taong lumalabas na wala pang bakuna dahil ang mga ito ang posibleng magkalat ng virus. Ang kautusan ng Presidente ay kasunod ng pagdami ng kaso ng COVID Delta variant kung saan umakyat na sa 216 ang kabu­uang kaso.

Ayon sa Department of Health (DOH), 97 bagong kaso ng Delta variant ang natukoy. Sinabi rin ng DOH na posibleng tumaas ng 30,000 ang kaso sa Setyembre 30. Iminungkahi naman ng OCTA Research Group ang mahigpit na restrictions sa mga lugar na may mataas na kaso ng Delta variant. Isinailalim muli ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions mula Agosto 1-15.

Ang kautusan ng Presidente na huwag palabasin ang mga hindi pa bakunado ay mahirap ipasunod lalo pa at marami pa ang hindi bakunado. Marami ang aangal. Paano ang mga manggagawa na hindi pa nababakunahan? Paano sila kikita kung hihigpitan ang paglabas ng bahay? Paano sila kakain?

Puwede ang gusto ng Presidente kung bibigyan ng ayuda ang mamamayan na wala pang bakuna­. Kung walang maipagkakaloob, mahirap ang gustong mangyari na huwag palabasin ang mga walang bakuna.

Pinakamagandang magagawa ng pamahalaan ay apurahin o bilisan ang pagbabakuna. Sa halip manakot o magbanta, gawing 24-hour ang pagbabakuna. Huwag pahirapan ang mga magpapabakuna na pinapipila pa sa init ng araw o sa malakas na ulan. Tumanggap ng walk-in. Marami ang gustong magpabakuna pero ang problema ay ang kakayahan ng pamahalaan sa pagsasagawa nito.

PRESIDENT DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with