_ngayon
^

PSN Opinyon

#ProudMakatizens dapat maging alerto sa lahat ng uri ng sakuna

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Nitong mga nakaraang araw, muli tayong nakaranas nang malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan dahil sa isang bagyo na sinabayan pa ng habagat.

Bukod dito, nagkaroon din nang malalakas na pag­yanig sa area ng Calatagan, Batangas hanggang Puerto Galera, Or. Mindoro noong Hulyo 24. Naramdaman ang lindol sa napakaraming lugar sa Maynila at mga karatig probinsya.

Bagama’t nakatuon ang atensyon ng Pamahalaang Lungsod ng Makati sa patuloy na pagpapalakas ng pro­gra­mang Bakuna Makati para mabakunahan kontra COVID­-19 ang higit na maraming residente at empleyado sa lungsod, hindi nito ibig sabihin na inihinto natin ang pagsasagawa ng mga programa at polisiyang tungkol sa paghahanda sa iba pang mga sakuna at emergency.

Patuloy pa rin ang pagtatrabaho at paghahanda ng lung­sod­ sa pamumuno ng Makati Disaster Risk Reduction and Management Office para sa anumang uri ng sakuna o natural­ disaster.

Noong 2018, namahagi ang lungsod ng Go Bags sa libu-libong estudyante ng public schools at mga pamil­yang nakatira o malapit sa danger zones. Ito ay emergency sur­vival kit upang matulungan ang isang indibiduwal o pamilya na nasa gitna ng sakuna.

Ayon sa mga eksperto, kritikal ang unang 72 hours sa survival ng isang indibiduwal o pamilya na nasa isang emer­­gency situation. Ang Emergency Go Bag 1 na pampa­milya ay may 91 items, kasama ang food packs at hygiene kit, ilaw, gamit sa first aid, thermal blanket, tube tent, at radyo.

Ang Emergency Go Bag 2 na pang-indibiduwal ay may 14 items tulad ng food bars, emergency glow sticks, thermal blanket at N95 masks. Nagbigay din kami ng mga helmets para sa mga estudyante at teachers kasabay ng palagiang earthquake at fire drills para masanay ang mga bata sa tamang evacuation procedures.

Nang lumindol  noong madaling araw ng July 24, agad kong ginising ang aking mister na si Cong. Luis. Tumagal nang halos dalawang minuto ang pagyanig kaya naman ni-ready ko na ang aming Go Bags na nakatabi sa malapit sa main door. Maging ang aming anak na si Martina at mga kasama sa bahay ay may sariling Go Bags.

Mayroon din kaming emergency plan at napag-usapan na rin namin kung saan kami magkikita-kita kung sakaling di maiwasang mawalay sa isa’t isa habang lumilikas o emergency evacuation.

Naisip din namin na muling buhayin ang awareness ng mga kabataan sa kahalagahan ng emergency Go Bags. Gumawa po ang Makati ng Pass the Go Bag challenge sa Tiktok. Hinihikayat namin dito ang Proud Makatizens na maglagay ng essential items sa loob ng bag bilang paghahanda sa emergency. Kasama dito ang towelettes, inuming tubig, pagkain, gamot, 12-hour light stick, multi-purpose thermal blanket, face mask at ID holder with lanyard. Importante din ang mga toiletries at pamalit na damit.

Huwag maging kampante dahil ang sakuna ay maaaring mangyari ano mang oras. Walang makapagsasabi kung kailan magkakaroon ng lindol o iba pang kalamidad. Bukod sa panalangin ay lakipan din natin ng paghahanda at kaalaman tungkol sa tamang paraan ng paghahanda para sa emergencies.

Ang simpleng Go Bags ay maaaring magligtas ng buhay ninyo o ng isa ninyong kaanak o kapamilya.

Maging alert, at muli, stay safe Makatizens!

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with