_ngayon
^

PSN Opinyon

Hidilyn huwag gamitin sa political demolition

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

Mga “pulpulitiko”, baguhin na ang estilo n’yong bulok! Pati ba naman ang national pride nating si Hidilyn Diaz ay ginagamit sa political demolition sa mga political oppo­nents sa pamamagitan ng social media.

Nagpapalabas sa FaceBook o iba pang social media platform ng retrato ng pulitikong gusto nilang gibain. Ma­laking “epal photo” ang gagamitin na kunwari ay bumabati kay Hidilyn sa kanyang pagwawagi ng gold medal sa Tokyo Olympics.

Tapos, sa ilalim ng larawan ay naroroon ang maraming batikos ng mga trolls at mga taong napaniwala. Nagsa­sabing umeepal ang kanilang sinisiraang pulitiko. Ang dami kong nakitang ganyang klase ng demolisyon laban sa mga kilalang local executives at iba pang politician. Ang masaklap, marami sa mga nabibiktima ay matitinong opisyal.

Pati ang Mayor ng Quezon City na si Joy Belmonte na kilala kong very humble at unassuming ay hindi pinaligtas ng ganitong nangangamoy na taktika ng mga evil politicians. Sabi nga ni Mayor Joy, bagama’t talaga namang dapat ipagbunyi si Hidilyn sa karangalang ibinigay sa bawat Pilipino, hindi niya gagawin ito sa pamamagitan ng isang self-serving congratulatory message sa social media.

Kilala ko si Mayor Joy simula pa nang siya’y batang estudyante na madalas isinasama ng kanyang ina na si Mrs. Betty Go-Belmonte sa Star office. Akala ko nga nung una ay papasok sa kumbento itong si Joy at magiging madre. ‘Yun pala, susunod sa yapak ng kanyang tatay na si ex-Mayor Sonny ng QC na matapat na public servant.

Tigilan na ang “bulok propaganda” at sikaping pagka­isahin ang nagkakawatak-watak na bansa. Gawing ehemplo si Hidilyn na ang pagwawagi ng kaunaunahang gold medal sa Tokyo Olympiad ay naging dahilan para magkaisa, kahit man lang sandali ang mga Pilipino.

Dapat nating kilalanin ang mga pasimuno ng ganitong demolition job at huwag silang tangkilikin pagdating ng halalan.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with