_ngayon
^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Inakusahan sa ‘pastillas’ balik-serbisyo na naman

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Inakusahan sa âpastillasâ balik-serbisyo na naman

WALUMPU’T tatlong Immigration officers ang sinampahan ng kaso ng Ombudsman dahil sa “pastillas” scheme pero 43 lamang ang sinibak sa puwesto. Ang 43 corrupt officials ay binanggit ni President Duterte sa  kanyang huling State of the Nation Address (SONA) noong Lunes. Sabi niya ‘‘There were 43 personnel involved. I fired them all. I really dismissed them from the government.’’

Ang 43 Immigration officers na ito rin ang pinatawag ng Presidente noong Disyembre ng nakaraang taon sa Malacanang at umano’y minura. Ayon sa report, nagpahanda muna ang Presidente nang maraming “pastillas” na may pera sa loob. Nang makaharap niya ang mga opisyal, pinagbibigyan niya ng “pastillas” ang mga ito at saka sinabi, “Kainin n’yo yan dahil ‘yan ay may pera!’’ Ang 43 ay nakapagbulsa ng P40 bilyon mula pa noong 2017 dahil sa visa-upon-arrival (VUA) policy.

Ang nakapagtataka, mariing pinabulaanan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang sinabi ng Presidente na sinibak na ang 43 Immigration officers. Sabi ni Guevarra, ang 43 ay nakabalik na sa puwesto kabilang ang 40 iba pa dahil tapos na ang suspension ng mga ito. “Hindi sila sinibak o dinismis dahil ang imbestigasyon ng kanilang kaso ay nagpapatuloy pa,” sabi ni Guevarra.

Maaaring hindi nalalaman ng Presidente na ang sinasabi niyang sinibak na 43 Immigration officers ay nakabalik na sa puwesto. Maaring hindi siya na-update ukol sa mga ito. Ang nakakabahala rito, ngayong nakabalik na ang “pastillas” Immigration officers maaaring maulit ang scheme. Magpapatuloy ang katiwalian sa NAIA.

Limpak na pera na ang naibulsa ng mga corrupt na Immigration officials dahil sa “pastillas” scheme. Namera nang husto mula nang dumagsa sa bansa ang mga Chinese na nagtatrabaho sa Philippine Offshore and Gaming Operators (POGOs). Bawat Chinese ay naglalagay ng P10,000 para walang aberya ang kanilang pagpasok sa bansa.

Tinaguriang ‘‘pastillas scheme’’ dahil ang perang ipinanglalagay sa mga corrupt Immigration officials ay nakabilot na parang ‘‘pastillas’’.

Ngayong nakabalik ang mga sinibak ni Digong, dapat bantayan ang mga ito para hindi na maulit ang nangyaring ‘‘pastillas’’. Tiyak na uulit ang mga ito dahil masarap ang “pastillas”.

OMBUDSMAN SONA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with