_ngayon
^

PSN Opinyon

Chinese team, galit sa coach ni Hidilyn

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

INAMIN ni Olympic weightlifting gold medalist Hidilyn Diaz na “first time” siyang bumuhat ng 127 kilogram at sa mismong Tokyo Olympic pa! Tinalo ni Hidilyn ang kanyang katunggaling Chinese sa isang  makasaysayang pangyayari dahil ito ang unang pagkakataon sa buong kasaysayan ng Olympics na ang Pilipinas ay nakasungkit ng gintong medalya.

Balita ko umuusok sa galit ang Chinese team sa coach at trainor ni Hidilyn na isang Chinese na nagnga­ngalang Gao Kaiwen. Narinig kong kinakapanayan sa ANC TV ni Karen Davila via Zoom si Hidilyn. Sabi niya, napakalaking dagok para sa China ang kanyang pagwawagi dahil ang nasabing bansa ang palaging umaani ng gold medals lalo na sa weightlifting.

Pero nagmistulang binuwag ang Great Wall of China ng ating Wall of Intramuros. Tinalo ni Hidilyn ang pambato ng China na si Liao Quiyun.

Nasilat ang magandang record ng China dahil sa isang Hidilyn Diaz na nagpakita ng kakaibang lakas sa kompetisyon. Over-confident ang mga Chinese at marahil inakala nila na kasintibay na sila ng Great Wall of China na imposibleng tibagin.

Inaasahan ng Team China na maski papaano, ibabahagi ng Chinese coach ni Hidilyn sa kanila ang mga kahinaan ng ating Olympic champion para mapaghandaan ito. Pero si Hidilyn mismo ang nagsabi sa interview na walang lihim na ibinunyag sa kanyang mga kababayan ang kanyang coach. 

Salamat din kay Coach Gao sa kanyang pagiging propesyonal na hindi inalintana ang galit ng kanyang mga kababayan. Pero naniniwala ako na maliit na bahagi lamang ang partisipasyon ng coach sa panalo ni Hidilyn. Si Hidilyn ay nagwagi dahil likas siyang malakas at determinadong maghatid ng karangalan para sa bansa.

HIDILYN DIAZ OLYMPIC
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with