^

PSN Opinyon

Kuwento nang Malaking Baha kalat sa iba’t ibang kultura

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Iisa ang kuwento nang Malaking Baha sa Bible, Torah, at Qur’an. Inalerto ng Diyos si Noah na uulan nang matagal bilang parusa sa kasamaan ng tao. Gumawa ng Arko na sasakyan nilang walo: si Noah, tatlong anak na lalaki, at mga asawa nila. Magsakay daw siya ng pares ng bawat hayop. Ibon ang naging sugo kung may lupa na o lubog pa rin. Napadpad ang Arko sa tuktok ng bundok. Lumabas lahat sa arko. Naglahi muli ang mga hayop. Nag-alay sina Noah sa Diyos bilang pasasalamat. Nagtanim ang isang anak, nangisda ang ikalawa, at nag-enhinyero ang bunso. Nagparami muli sila sa mundo. Sinusuri ngayon­ kung ang natagpuang wreck sa itaas ng bangin sa Mount Ararat, Turkey, ang Arko.

Anang geomythologists, alamat lang ang Malaking Baha. May iba’t ibang bersiyon ito sa rehiyon ng Mesopotamia. Tinamaan umano ito ng sakuna. May nagsasabi rin na hinalaw ang “alamat” ni Noah sa Epiko ni Atrahasis, noon pang 2800 BC.

Pero malaki ang kaibhan ng epiko sa teolohiya. Ma­rami umanong diyos noon, at nabuwisit sila sa ingay ng tao dahil hindi sila makatulog. Pinarusahan nila ng sakit at tagtuyot pero maingay pa rin sa lupa. Pinulong ni Enlil lahat ng diyos, na nagpasyang bahain ang mundo. Sumalu­ngat si Enki, kapatid ni Enlil, na ubusin ang tao. Inabi­suhan si Atrahasis at pamilya na gumawa ng arko para makaligtas.

Ayon sa ilang anthropologists, nagkaroon talaga nang malaking baha nu’ng sinaunang panahon. Ito ang dahilan kaya pati ang Aztec sa Mexico, Inca sa Peru, at mga kultura sa South at Central Asia ay may kuwento tungkol dito. Nakakamangha na ang mga bersiyong ito ay katulad sa Bible, Torah, at Qur’an. Pati si Noah ay pangunahing karakter, bagama’t iba-iba ang bigkas at baybay sa pangalan niya. At lahat sinasabi na kaparu­sahan ang baha sa mga kasalanan ng tao.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

ARKO

NOAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with