_ngayon
^

PSN Opinyon

Your wish is my command!

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Mataas ang paggalang ko sa uniporme ng Philippine National Police. Bukod sa malapit sa akin ang kasalukuyang pinuno nito, marami nang matagumpay na trabaho ang BITAG kasama ang PNP.

Hindi maiiwasan na may ilang pasaway na inirereklamo sa aming tanggapan. At dahil serbisyo publiko ang aking programa, kinukuha ko ang panig ng inirereklamong lespu.

Kamakailan, may isang nakipagsubukan. Inirereklamo ang isang pulis na umano’y naka-assign sa mismong Crime Lab sa Camp Crame.

Ang biktima, isang medical frontliner. Nangungupahan ang nurse na nagrereklamo sa isang apartment sa Gen. Trias Cavite.

Umano, tinatakot at ginigipit siya ng landlord na ang pakilala’y “partner” ng pulis na inirereklamo. Ang pulis umano ang tumatawag, nananakot at nanggigipit sa nurse na papasukin ang mga potential buyers ng apartment na kanyang inuupahan.

Bukod sa walang paunang abiso ay natatakot ang nurse na papasukin ang iba’t ibang tao sa loob ng kaniyang apart­ment dahil sa banta ng COVID-19. Nang mga panahon na ‘yun, ang magulang na senior citizen ng biktima ang laging nasa bahay.

Kinuhanan ko ng panig ang landlord. Hinamon akong magdemanda na lang daw sa korte ang nagrereklamo. Ayaw niya ring kumpirmahin na sila’y “partner” ng pulis dahil ito’y personal na raw na tanong.

Sa panig naman ng pulis na inirereklamo, mariin na hindi raw niya partner ang landlord kundi “tinutulungan” lamang. Ibig bang sabihin na sa oras ng trabaho bilang otoridad ay nanggigipit at nananakot siya ng isang tao?

Ipinaalam ko sa kanya na iaakyat namin sa PNP-Internal Affairs Service (IAS) ang reklamo. Dito na nag-hys­terical ang pulis sa ere, tumaas na ang boses nito.

“Sige raw” pagmamalaki nito. Handa raw siyang harapin at sagutin ang PNP-IAS. Puwes, your wish is my command, PSMS Armas. Sa PNP-IAS ka na magpaliwanag dahil nagsimula na ang imbestigasyon.

Simple lang ang BITAG, marunong kaming makinig ng paliwanag. Pero kung kumakasa ka pa, may kalalagyan ka.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with