_ngayon
^

PSN Opinyon

Mayor Joy B. galit sa sugal

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Galit na galit umano si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa isang pagtatangkang palusutin sa lungsod ang Small Town Lottery (STL). Isa raw kamag-anak ni ex-Mayor Herbert Bautista na si Dex Bautista ang nagpapasimuno nito. Dahil dito’y iniimbestigahan na ng gambling committee ng QC ang isang sikretong pulong ng mga STL ope­rators sa Camp Karingal noong Hulyo 21.

Kasunod ito ng panawagan ng pamunuan ng mga ba­rangay sa Quezon City na gawan ng kaukulang aksyon­ ang pangyayari. Ginanap umano ang pulong sa tanggapan ni Quezon City Police District Director BGen Antonio C. Yarra.

Walang naging kinatawan sa pulong ang tanggapan ng QC Mayor kaya malinaw na pagpapalusot sa isang planong mahigpit na tinututulan ni Mayor Joy. Sa simula pa, mahigpit na tinututulan ni Mayor Joy ang anumang uri ng sugal. Ganyan palibhasa ang kanyang yumaong ina na founder ng Star Group na si Mrs. Betty Go-Belmonte. Talagang “hate na hate” ang sugal.

Mayroong gambling committee sa lungsod kaya tech­nically ay ilegal umano ang operasyon ng STL. Binale­wala ng mga STL operator ang gambling committee sa lungsod sa tuluy-tuloy na pagbola. Hanggang ngayon, walang ginagawang hakbang si Yarra kaugnay nito.

Sinikap na makuha ang panig ni Yarra kaugnay sa ulat subalit nabigo ang mga miyembro ng media sapagkat sa gate pa lamang ng kampo ay hindi na sila makapasok dahil wala umanong appointment o schedule sa kanyang tanggapan. Kaisa ako ni butihing Mayor Joy Belmonte sa layuning sugpuin ang sugal hindi lamang sa QC kundi sa buong bansa.

STL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with