_ngayon
^

PSN Opinyon

Hindi katanggap-tanggap na palusot (Part 1)

IKAW AT ANG BATAS - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

SA paggawa ng krimen, nakakalusot ang akusado dahil sa pagiging sintu-sinto o dahil napilitan lang siyang gawin ito dala ng matinding takot o sa paniniwalang mas matin­ding­ kapahamakan ang kanyang aabutin (Art. 12-Revised Penal Code). Ipapaliwanag ito sa kaso nina Cardo at Boy.

Isang hapon, dakong 1:15, pumasok sa isang private school si Cardo at nilapitan si Benjo, 14-anyos. Nakum­binsi­ niya ito na sumama sa kanya upang ibigay ang bayad sa lupang ibinebenta ng tatay nito. Pati ang matalik na ka­ibigan nitong si Kevin, 14-anyos ay nakumbinsing samahan si Benjo.

Dinala sina Benjo at Kevin sa isang kubo sa gitna ng isang palaisdaan para antayin si “Ka Berto” na kasabwat din ni Cardo. Noong nagdesisyon na ang dalawa na umuwi ay pini­gilan sila ni Cardo at sinabing padating na si Ka Berto. Tinalian sa kamay at paa ang dalawa at ang palusot lang ni Cardo ay hindi naman sila masasaktan.

Maya-maya pa, dumating na si Boy at tiniyak na maayos ang pagkakatali sa dalawa. Gumawa ng isang tape recor­ding si Cardo at inutusan si Benjo na magmakaawa at humi­ngi ng P3 milyon sa kanyang mga magulang kapalit ng kani­lang kalayaan. Pagkatapos ay binuhat ni Boy si Kevin papunta sa ilog. Sinipa naman nito si Benjo para sumama sa kanila. Hawak sa leeg, dinala ni Cardo sa gitna ng ilog si Kevin para tuluyang malunod.

Natulog si Cardo na parang walang nangyari. Inutusan lang nito si Boy na hanapin ang kuwintas ni Kevin at tuloy na bantayan si Benjo.    

Sa kubo, nagawang tanggalin ni Benjo ang pagkakatali ng kanyang paa. Nakumbinsi rin niya si Boy na tanggalin ang pagkakatali ng kanyang mga kamay dahil hindi raw siya tatakas at matutulog lang.

Kinabukasan ng umaga, habang papunta si Cardo sa bahay ng mga magulang ni Benjo para dalhin ang tape re­cording at habang nagpuputol ng damo si Boy ay naka­takas na si Benjo. Nakarating siya sa bahay ni Cardo at nakapuslit para makatawag sa kanyang lola.

Sinundo siya ng ama at lola at dinala sa presinto upang magreport tungkol sa nangyaring kidnapping. Pagkalipas ng dalawang araw, nakuha ang bangkay ni Kevin sa ilog.

(Itutuloy)

ALIBI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with