_ngayon
^

PSN Opinyon

Basura sa Manila Bay

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

LUMUTANG na naman ang basura sa baywalk sa Manila Bay dahil sa malalaking alon na hatid ng habagat. Ang dating kagandahan ng baywalk na ginastusan ng daang mil­yong piso makaraang tambakan ng dolomite ng Department of Environment ang Natural Resources (DENR) ay natakpan ng sari-saring basura.

Wala namang masama sa proyekto ng DENR dahil malaki ang ambag nito sa turismo. Ang masaklap, tuwing babagyo at uulan, muling bumabalik sa nakadidismayang tanawin ang nasabing beach.

Sa tingin ko, mas makakabuting paglaanan muna ng pondo ang paglilinis sa Pasig River at mismong Manila Bay dahil narito ang maraming basura na itinapon ng mga ires­ponsableng mamamayan mula sa Navotas, Malabon, Bulacan, Pampanga, Bataan, Parañaque, Las Piñas at Cavite.

Sa mga nabanggit na lugar nagmumula ang mga basura na inaanod patungo sa Manila Bay kapag malakas ang alon. Walang katapusan ang pagdagsa ng basura sa Manila Bay kaya nararapat na unahin itong linisin.

Kapag naging malinis ang Manila Bay, lilinis din ang shore lines at nasisiguro ko na magtatagumpay si DENR Sec. Roy Cimatu na mapaganda ang Dolomite Beach sa Manila Bay.

Natatandaan ko na maraming establisimyento ang inis­yuhan ng closure order matapos madiskubre ng DENR na ang kanilang sanitary wastes ay dumadaloy sa mga estero at lumalabas sa Manila Bay. Maging ang Manila Zoo ay isinara.

Kaya kung nais ni Secretary Cimatu na maging ma­ta­gumpay ang Dolomite Beach at iba pang proyekto, simulan munang linisin sa basura ang Manila Bay. Maraming basura sa dagat.

Siyanga pala, happy 35th anniversary sa The Philippine STAR!

MANILA BAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with