_ngayon
^

PSN Opinyon

#ProudMakatizens, magpabakuna; magdoble-ingat sa Delta variant

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Gusto kong paalalahanan ang lahat na lubusang mag-ingat laban sa kumakalat na Delta variant ng corona-virus. Sinasabing mas mabilis itong makahawa kumpara sa mga naunang strain o variant ng COVID-19. Ito rin ang naging dahilan ng napakaraming nasawi sa India at Indonesia.

Dahil kumpirmado na ang pagkakaroon ng Delta variant sa Pilipinas, mas pinag-igting ng pamahalaang lungsod ang pagpapatupad ng health and safety protocols. Muling ipinagbabawal ang paglabas ng mga kabataang may edad 17 pababa at ipatutupad ang IATF restrictions para sa pag “dine-in” sa mga restaurants at iba pang establisimento.

Marami nang restaurants at bars ang isinara ng Business Permits Office dahil sa paglabag sa mga pata­karan at safety guidelines. Hindi kami mag-aatubiling ipasara ang mga negosyong inilalagay sa panganib ang kanilang mga customer at empleyado.

Ang Delta variant ay nananalasa ngayon sa Amerika, Asya, at ilang bansa sa Europa. Tinawag itong “pandemic of the unvaccinated” at sabi ng mga eksperto ay maaari sanang naiwasan ang napakataas na death toll kung mas maraming tao ang nagpabakuna.

Dahil dito, muli akong nananawagan sa #ProudMa-katizens. Magpa-register na kayo para mabakunahan. As of July 22, 2021, nasa 254,662 katao na ang ating nababakunahan. Kailangan ang at least 70 percent ng populasyon ang mabakunahan para makamit ang herd immunity.

Ang bakuna ay para sa inyong kaligtasan at para rin sa kapakanan ng inyong mga mahal sa buhay. Huwag sana nating ilagay sa panganib ang ibang kasama sa trabaho o sa bahay, lalo na ang mga bata. Bukas pa rin ang online vaccine registration sa www.proudmakatizen.com. Puwede ring pumunta sa mga Satellite Bakuna Registration sites sa iba’t ibang barangay. Sundan lamang ang My Makati Facebook page para sa mga lugar na naka-schedule.

Samantala, sinimulan na ng Makati ang ‘Vax H2H’ o house-to-house vaccination para sa mga bed-ridden patients. Noong Biyernes, July 23, nagtungo ang vaccination team sa Barangay Cembo at nabakunahan ang unang batch ng mga may karamdamang Makatizens sa loob mismo ng kanilang tahanan.  Binuksan din ang vaccination site sa BDO Corporate Center upang bigyan ng bakuna kontra COVID-19 ang mga empleyadong kabilang sa A4 category.

Patuloy tayong manalangin at magtulungan upang tuluyan nang masugpo ang COVID-19 at makapamuhay nang ligtas at maginhawa.

DELTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with