^

PSN Opinyon

Kahit anong gawin ni Robredo insulto pa rin ang inaani

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Magbago na sana ng style ang administrasyon. Kung sadyang mas malakas ito kaysa oposisyon, huwag nang gumawa ng demolisyon. Magbasa ka ng social media at pulos pangungutya ang ginagawa kay VP Leni Robredo sa pagtupad niya sa tungkulin bilang Vice President.

Kapag gumagawa ng maganda, sasabihing kinukumpitensya si Presidente Duterte. Eh kung walang gawin? Tiyak sasabihing wala siyang silbi. Hindi lang mga trolls ang gumagawa niyan kundi pati ilang opisyal gaya ni Presidential Legal Counsel Sal Panelo na sa kanyang mga video ay laging kinukutya si Leni.

Alam ng sambayanan na tumutupad si VP sa kanyang tungkulin sa bayan. Kumikilos sa panahon ng krisis. Hindi ko sinasabing walang ginagawa ang gobyerno. Ngunit ang Vice President ay hindi lang spare tire na uupo kapag namatay o mabaldado ang Pangulo. Assistant siya at katuwang ng Pangulo lalo na sa panahon ng kagipitan. Iyan ay kahit magkaiba sila ng partido.

Halimbawa, kasabay ng banta ng Pangulo na ipadarakip ang mga ayaw magbabakuna, inilunsad ni VP Leni ang Vaccine Express. Nakatuon ang programa sa iba’t ibang sektor na hindi pa binabakunahan kahit nagtratrabaho sa gitna ng pandemya.

Kabilang diyan ang mga tricycle at pedicab driver, at mga delivery rider. Inaabutan pa ng ayuda ang mga nagpabakuna. Iyan ang estilo ng persuasion sa halip na coercion. Sa unang pagpapaturok, binigyan sila ng gas card at sa ikalawa, grocery gift pack na merong ilang kilo ng bigas at mga delata naman ang ipinamahagi ng OVP sa tulong ng mga pribadong institusyon.

Hindi dahas kundi lunas ang pamamaraan ng pamumuno ni VP Leni sa bansa nating nakalublob sa krisis. Walang puwang ang pagkakawatak-watak sa gitna ng krisis. Wala ring puwang ang mga pananakot at paggamit ng dahas sa mga ayaw sumunod sa administrasyon. Persuasion, not coercion.

vuukle comment

ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with