_ngayon
^

PSN Opinyon

Amoy pulitika na sa Abra

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Pinatay kamakailan si Robert Villastique, barangay chairman ng Lubong, Bangued, Abra. Kaalyado si Villastique ng kasalukuyang namumuno sa silangang bahagi ng Abra.

Malaking kawalan ang kaalyadong gaya ni Villastique sa foot hold ng mga malalakas na puwersa sa bayan.

Maraming ispekulasyon hinggil sa motibo ng pagpatay kay Villastique. May bahid pulitika man o wala, dapat­ malaman ng taumbayan kung sino ang nasa likod ng pag­patay sa barangay chairman.

Ang Bangued, bilang sentro ng kalakal at pulitika ng Abra ay napakahalaga sa mga pulitiko. Kung sino ang may control sa bayang ito, hahakot ng boto ng pro­binsiya.

Matunog naman ngayon ang political families na Bersamin, Seares at Luna na dati nang nakalaban ng mga nakaupo ngayon sa probinsiya. Umano’y magbabalik pulitika ang mga ito.

Pero sabi ni dating Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin hindi naman daw siya tatakbo sa anumang elective position sa lalawigan. Ayon sa dating punong mahistrado, iluluklok daw siya sa isang mahalagang posisyon.

Wala naman daw maglalakas-loob na lumaban kay Rep. Joseph “JB” Bernos dahil sa dami ng accom­plish­ments nito.

Abangan ang kapana-panabik na yugto ng pulitika sa Abra. Sana lang, huwag magtapos sa kahindik-hindik na karahasan ang bayang ito.

* * *

Para sa suhestyon: art.dumlao@gmail.com

ABRA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with