^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bantayan ang mga dumadaong na barko

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bantayan ang mga dumadaong na barko

Pinangangambahan na ang mga barkong ga-ling Indonesia ang magdala ng COVID Delta va-riant sa bansa. Kaya nararapat na maging alerto ang Philippine Coast Guard (PCG) at baka may makadaong na iba pang barko na hindi nila namamalayan. Ang T/B Clyde at M/B Claudia na dumating sa Albay kahapon na may dalang 8,000 metrikong toneladang steam coal ay mahigpit na binabantayan. Ayon sa report, 12 sa 19 na crew nito ang infected. Ang na­ka­pangangamba, isang infected crew nito ang bumaba sa Butuan. Nagsasagawa na ng contact tracing sa sa mga nakasalamuha ng crew.

Kapag nagpabaya o naging maluwag ang PCG sa mga barkong nagmula sa Indonesia at iba pang bansa na may Delta variant, hindi malayong kumalat ang sakit. Hindi sana maging relaks ang PCG at iba pang ahensiya sa paghihigpit sa mga dadaong na barko. Hindi dapat pababain ang mga crew na infected. Maghigpit sa border para walang makapasok.

Sa kasalukuyan, patuloy pa ang pagdami ng kaso sa Indonesia na itinuring na COVID epicenter sa Asia. Nalampasan na umano ng Indonesia ang India sa dami ng mga nagkaimpeksiyon dulot din ng Delta variant. Siksikan sa mga ospital sa Indonesia at kinukulang na ang suplay ng oxygen.

Doble ingat at dagdagan pa ang paghihigpit ngayon upang hindi na kumalat ang Delta variant. Magpatupad ng travel ban sa iba pang bansang malapit sa Pilipinas. Bukod sa Indonesia, dumarami na rin ang kaso sa Myanmar na dati ay walang gaanong kaso.

Noong Biyernes, sinabi ng Department of Health (DOH) na mayroon nang 16 na kaso ng Delta variant ang naitala sa bansa at 11 rito ay locally acquired. Tatlo na umano ang namatay ayon kay Health under­secretary Maria Rosario Vergeire.

Hindi lamang sa Indonesia nararanasan ang pagtaas ng kaso ng Delta variant kundi maging sa ibang bansa gaya ng Australia, United Kingdom at maging sa Israel. Ayon sa report, naka-hard lockdown ngayon sa Sydney at ibinalik naman sa Israel ang pagsusuot ng face mask.

Mabangis ang Delta variant kaya nararapat ang paghihigpit. Hinay-hinay sa pagluluwag. Huwag palabasin ang mga bata. Mga magulang na ang manguna rito. Napakadelikado ng Delta variant kaya nararapat ang seryosong pag-iingat. Manatili sa bahay upang makaiwas sa virus.

vuukle comment

DELTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with