^

PSN Opinyon

PDP-Laban nabiyak

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SERYOSO ang problema ng namumunong partidong PDP-Laban. Simula nang batikusin ni Sen. Manny Pacquiao ang aniya’y katiwalian sa Duterte administration, nabiyak na ang partido. Magugunita na tinuligsa ni Pacquiao si Energy Sec. Al Cusi sa kapabayaan nito na ayusin ang problema sa elektrisidad.

Ang impresyon nang marami, si Pacquiao ay walang sariling talino at dinidiktahan lang ni dating PDP-Laban president Koko Pimentel. Kumampi si President Duterte kay Cusi. Ang pagtitipon ng PDP-Laban na kapanalig kay Cusi ay dinaluhan ng Presidente. Pumalag si Pimentel.

Ani Pimentel, hindi niya mapapayagang maghari ang kampo ni Cusi sa partido na ang nagtatag ay ang tatay niyang si yumaong senador Nene Pimentel. Ang sabi pa ni Koko, Kahit pa dinaluhan ng Presidente ang pagtitipon ng kampo ni Cusi, hindi nangangahulugan na suportado ito ng buong partido na may 10,000 kasapi.

Sa naturang pagtitipon na ginanap sa Clark Development Authority, sinibak ng kampo ni Cusi si Pacquiao bilang President ng PDP-Laban. Kahit nasa Amerika para sa kanyang pagsasanay sa susunod niyang laban, tinawag ni Pacquiao ang pangyayari na divisive politics sa kanyang viber message.

Sa tingin ko, divisive talaga ang buong pamumuno ni Duterte bilang Presidente. Masyado nang watak-watak at hindi nagkakaisa ang mga Pilipino. Hindi maaaring manatili ang ganitong pagkakahati dahil dito na magsisimulang bumagsak ang ating bansa. Kung may malaking krisis at walang pagkakaisa ang mga namumuno, ano ang kahihinatnan natin?

Kahit may party president, itinuturing pa ring titular head ang Presidente ng bansa ng partidong kanyang kinabibilangan. At ngayong hayagan ang supporta ng Presidente sa kaso ni Cusi, ano pa ang magagawa ng kampo ni Pacquiao at Pimentel?

Ang importante, nakita natin ang katotohanan na hindi unifying ang Duterte administration. Kailangan natin ang leader na mapagkakaisa ang Inang Bayan. Ang isang bansang watak-watak ay tiyak na tiyak na babagsak sa lusak!

vuukle comment

PDP-LABAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with