^

PSN Opinyon

MSgt. Padua, napaglalangan si Gen. Eleazar?

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Napaglalangan ni MSgt. Raffy Padua itong si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar­. Nasa kainitan kasi sa paghahabol ng tiwaling pulis itong si Eleazar sa ilalim ng programang internal cleansing­ subalit nakakaiwas itong si Padua. Imbes kasi na mag­trabaho bilang pulis itong si Padua, aba mas inuuna nito ang pagkolekta ng tong money sa mga pasugalan at iba pang pagkakitaan sa Maynila, anang mga kosa ko. Hindi ba kasama sa internal cleansing ang tong kolektor, Gen. Eleazar Sir? Dipugaaaaa! Ano ba ‘yan?

Si Padua ay bitbit ni Brig. Gen. Rolando Miranda nung ma-assign ito sa Police Regional Office 6 (PRO6) sa Iloilo. Subalit imbes na mag-report sa PRO6, aba nanatili si Padua sa Maynila at itinuloy ang pagiging tong kolektor ng City Hall detachment, at MPD Stations 2, 3, 7, 11, at 14, ayon sa mga kosa ko. Araguuyyyyy! Sa ranggong MSgt. may base pay na P34,411 na tinatanggap sa PNP itong si Padua. At sa mga kita nya sa pagiging kolektor, t’yak paldo itong si Padua at malakas pumusta sa sabong, di ba mga kosa? Ang talo dito sa ginagawa ni Padua ay ang PNP at kapag hindi umaksiyon si CPNP laban sa kanya­, aba baka tularan pa s’ya ng ibang pulis. Hindi magiging magandang ehemplo si Padua samantalang panay sibak ni Eleazar sa mga tiwaling pulis. Dipugaaaaaa! Hehehe! Kanya-kanyang raket lang ‘yan!

Kung sabagay, hindi naman si Padua lang ang pulis na nagsisilbing tong kolektor sa mga pasugalan at iba pang pagkakitaan, ‘di ba Lt. Roel Sir? Sa pagkaalam ko kasi, may listahan ng tong kolektor itong si Maj. Gen. Dennis­ Agustin, director ng Directorate for Intelligence (DI) at puwedeng maging giya ito ni Eleazar para sibakin sila lahat para maniwala ang mga Pinoy na seryoso s’yang linisin ang hanay ng PNP ng tiwaling pulis. Sinabi ng mga kosa ko na lugi ang gobyerno ni President Digong dito sa mga tong kolektor dahil dinoble na ang suweldo nila aba’y puro delihensiya pa ang pinagkaabalahan at hindi ang paghabol sa mga kriminal at sindikato ng droga. Mismoooooo! Dipugaaaaaaa!

Sa totoo lang, itong si Padua at iba pang tong kolektor ay masabi nating 15-30 sa hanay ng PNP. Hindi naman makapagtago itong mga tong kolektor kasi sa kalye ang lakad nila kaya’t nakalutang sila. Dipugaaaaaa! Abangan!

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with