^

PSN Opinyon

Tawaging itim ang kulay itim

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Mas gugustuhin pa raw ni Presidente Duterte na manalo sa eleksyon ang mga kalaban kaysa patakbuhin sa pagka-Presidente ang anak niyang si Sara.

Tingin ko ipokrito ang pahayag na ito. Katulad din ng naunang sinabi ng Presidente na ayaw niyang kumandi­dato ang kanyang anak dahil hindi trabaho ng babae ang maging Presidente.

Wala ring pinag-iba sa sinabi noon ng Presidente na gusto na niyang magretiro sa pulitika, ngunit kalaunan ay sinabi niyang bukas siya sa posibilidad na tumakbo siya bilang Bise Presidente. Aniya, marami pa siyang gawaing dapat tapusin.

Ngayon, sinasabi naman niya na ang pahayag niyang tatakbo sa pagka-Vice ay panakot lang sa kanyang mga kalaban sa pulitika. Wika nga sa matanda ng kasabihan sa Ingles “let’s call a spade a spade.” Ibig sabihin, ang itim ay huwag tatawaging puti and vice versa.

Ngunit iyan ang unorthodox style ng Presidente na mukha namang aprubado ng kanyang mga tagasunod na kung ibabase sa mga survey ay napakalaki ng bilang kum­para sa mga taong kontra sa Presidente.

Epektibo ang estratehiya ng administrasyon at mukhang walang taktika ang oposisyon para tapatan ito. Habang naguguluhan ang marami kung ano ang balak ng adminis­trasyon para sa darating na eleksyon, tila lalo naman itong tumataas ang popularidad kung ibabase sa mga isinasa­gawang survey.

Ngunit dapat lalong maging mapanuri ang taumbayan at huwag magpatangay sa mga ginagawang estratehiya ng alin mang partido. Ibase natin ang pagpili ng tamang leader sa mabuting katauhan at kakayahan ng isang kakan­didato.

vuukle comment

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with