_ngayon
^

PSN Opinyon

Vaccine passports ng Makati tamper-proof!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

ALAM ba ninyong pinalagyan namin ng unique security features ang vaccination cards ng Proud Makatizens?  

Tanging ang Makati lang ang mayroong ganitong features sa vaccination cards. Sa simula pa lang, inisip namin na hindi pang-isang beses lang ang gamit ng vaccination cards. Sa maraming bansa, ginagamit ito bilang vaccine passports para makapunta sa iba’t ibang lugar na tumatanggap lang ng mga bisitang kumpleto ang bakuna. Dahil sa security features ay mahihirapang gumawa ng mga pekeng version ng ating vaccination cards. Protektado hindi lang ang nabakunahan, kundi maging ang mga komunidad.

Pinaghandaan at pinag-aralan namin ang disenyo ng vaccination card para sa kapakanan ng ating mahal na Makatizen. Bukod sa QR code na maaaring i-scan ng mga establisimyento at medical facilities para sa contact tracing, dinagdagan pa namin ng kakaibang holographic sticker­ ang vaccination card.

Makikita lang ang sticker na ito kapag idinaan sa UV o blue light. Katulad ito ng security feature na inilalagay sa ating paper bills para malaman kung peke ang pera.

Napatunayan na tama ang desisyon namin na maglagay ng mga features na ito dahil nito lang nakaraang linggo, nagpaalala ang national government sa local governments na tiyakin na secure ang vaccination cards. Ito ay dahil gaga­mitin na itong requirement para makabiyahe sa iba’t ibang lugar na iba ang quarantine classification. Ang may mga secure vaccination cards ay hindi na kailangang mag-qua­rantine.

Sa ganang amin, maigi nang gawin ang tama sa simula pa lang kaysa magsisi sa huli. Ayaw namin na dahil sa pagmamadali ay dagdag na pahirap pa sa Makatizens pagdating sa dulo. 

* * * 

Natutuwa ako sa dumaraming bilang ng Makatizens na nagpaparehistro upang magpabakuna. Ibig sabihin, dumarami ang gusto nang mag-back to normal ang kanilang mga buhay. Nakakapanghinayang lang dahil kung kailan marami ang gustong magpabakuna, nananatiling limitado naman ang supply mula sa Department of Health.

Ito ang dahilan kaya pansamantalang nahinto ang pagbibigay natin ng first dose ng bakuna.

Ako po ay personal na nakikiusap sa mga Makatizen na nag-aantay na mabakunahan na habaan ng kaunti ang inyong pasensya. Sa ngayon po ay nag-aantay at umaasa tayo ng bakunang bigay ng national government. 

Asahan ninyong muling bibilis ang pagbabakuna pagdating ng one million doses ng bakuna na inorder natin. Sapat ito para bakunahan ang lahat ng Makatizen, at pati na rin ang ang mga nagtatrabaho sa ating mahal na lungsod. Kapag nasimulan na natin ito, asahan natin na pa back to normal na tayo.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with