_ngayon
^

PSN Opinyon

Pangako

DURIAN SHAKE - Edith Regalado - Pilipino Star Ngayon

Nakababahala ang political moves ni Sen. Manny Pacquiao sa kanyang pagnanais na tumakbo sa pagka-presidente sa darating na May 2022 elections.

Tila mas dumarami yata ang mga kalaban at mga may galit sa mga ginagawa ni Manny imbes na makapanghikayat  siya nang mas marami na sasama sa kanyang ninanais na makamit sa 2022. Nakalimutan yata ni Manny na politics is addition at hindi subtraction.

Sana naman bigyan din niya ng halaga ang legacy ng yumaong dating Senador Aquilino “Nene” Pimentel Jr. na founder ng Partido Demokratiiko Pilipino-Laban ng Bayan ngayon na nagkawatak-watak na ang partido.

Kung ano ang nangyayari sa PDP-Laban ngayon ay siguradong hindi kaaya-aya kay Nene. Respeto sana. At sana matutong magpakumbaba at huwag magmadali.

Ayoko nang i-detalye ang mga nangyayari kay Manny nitong mga huling araw ngunit nais ko lang ding sariwain uli ang panahon na hiniram niya ang aking Nokia 3310 na cell phone may halos dalawang dekada na ang nakararaan.

Dahil pre-paid ako buti na lang may load yung Nokia 3310 ko at may tinawagan siya dahil nga raw ang kanyang mga phone ay nasa kanyang Ford Expedition ba yon o Ford Explorer. Nakigamit siya sa Nokia 3310 ko at matagal silang nag-usap ng tinawagan niya.

Pagkatapos niyang tinawagan in-erase niya ang   called number ngunit biglang nagbeep ang text message ko dahil nga nandun ang number ko sa tinawagan niya.

Anyways, pagkatapos nang tawag na yun, nangako si Manny na ibibili niya ako ng bagong phone na colored daw at may camera dahil nga kawawa naman ang aking Nokia 3310 na ginamit niya.

Ngunit hanggang ngayon walang Nokia 3310 na dumating sa akin kahit na nagkita kami at binigay pa nga niya ang kanyang na ilang beses ko ring tinawagan ngunit wa epek.

Kaya nga biro ko, dapat totohanan na ni Manny ang kanyang pangako sa akin na napako at dapat pinakamahal na iphone ang ibigay niya at dapat may interest na MacBook dahil nga dalawang dekada na ang nakararaan.

Pangako nga naman.

MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with