^

PSN Opinyon

P30-M halaga ng shabu, nakumpiska sa Cebu!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Maraming estilong pinapairal ang mga drug syndicates para ikalat ang negosyo nilang droga saang parte man ng bansa kaya lang nahuhubaran din sila ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ni Brig. Gen. Remus Medina. Sunud-sunod kasi ang accomplishment ni Medina na ang shipment ng droga ay dinadaan sa Port of Batangas kaya naisip ng drug syndicates na lumipat na sila sa North Harbor sa Tondo.

Ang hindi alam ng mga drug syndicates, hindi natutulog si Medina at mga tauhan para kitilin ang modus operandi nila. Ginamit ng sindikato ang shipping lines sa North Harbor para magpadala sa Cebu ng balikbayan box na kunwari naglalaman ng gatas at iba pang household items para hindi mahalata ng mga awtoridad.

Ang hindi alam ng consignee nito na sina alyas Ryan at Kerlou, na sinusundan sila ng tropa ni Lt. Col. Regiono Maramag Jr., hepe ng PDEG SOU7, mula sa pantalan ng Cebu hanggang makarating sila sa safehouse nila sa Bgy. Mambaling, Cebu City. Nakatado na ang mga shabu nang ikasa ni Capt. Roy Rondina ang isang buy bust operation. Kaya lang nanlaban sina Ryan at Kerlou at hayun sa sementeryo ang bagsak nila. Dipugaaaaaa!

Nakumpiska sa dalawa ang halos 4.5 kilos ng shabu na nagkakahalagang P30 milyon pati na ang gamit nilang kalibre .45 pistol at AR9 pistol at kulay pulang Toyota Vios. Kasama ng PDEG sa operation at intelligence division ng PRO7, intelligence unit ng Cebu City police, Criminal Investigation and Detection Group, Regional Drug Enforcement Unit at PDEA. Kumpleto rekado, no mga kosa?

Sinabi ni Medina na ang 10 knot-tied plastic pack ng shabu ay nakatado sa tig-100 grams, at handa nang ideliber ng dalawa sa kanilang mga suki. Ang tatlong malalaking plastic packs naman ay may nakasulat na Chinese cha-racters ng tea na tulad ng mga nakumpiska ng PDEG sa iba’t ibang operation kontra droga sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Dipugaaaaa!

Nakakalusot na naman ang mga drug shipments sa mga mata ng ahente ng Bureau of Customs? Kumilos ka naman Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero Sir!

Ayon kay Medina, may report silang natanggap na sina Ryan at Kerlou ay nagsisilbi ding hitmen ng sindikato. ‘Ika nga ay sila ang taga-»ayos» ng takbo ng negosyo ng droga ng drug lord na nakakulong subalit tuloy lang ang pagpalaganap ng shabu saang parte man ng bansa. Purbidang yawaaaa! Dapat matuldukan na ang drug lord na ‘yan! Dipugaaaaa! Abangan!

vuukle comment

PDEG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with