_ngayon
^

PSN Opinyon

Krisis sa edukasyon: kulelat tayo sa mundo

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ISINASALI ng Department of Education ang mga mag-aaral sa international exams. Panukat ‘yon ng kalidad ng pagkatuto nila:

  • Nu’ng 2019 kulelat ang mga Grade 4 ng Pilipinas sa 64 na bansa sa Trends in International Mathematics and Science Study;
  • Nu’ng 2019 din kabilang ang mga Grade 5 natin sa mga nasa ilalim sa Southeast Asia Primary Learning Metrics; at
  • Nu’ng 2018 ang mga edad-15 ay pangalawa sa kulelat sa Reading Comprehension at kulelat sa Math at Science sa 78 na bansa sa Program for International Student Assessment.

Kapos ang natututunan ng mag-aaral sa Grades 1-12, ani Love Basillote, Executive Director ng NGO na Philippine Business for Education. Sa tulong ng World Bank, sinukat ng PBEd ang kakulangang ito. Nabatid na 8.4 na taong kaalaman lang ang nakukuha nila sa 12 taon. Pinalala ‘yun ng mahabang walang pasok nu’ng pandemic lockdown ng 2020, at ng mababang kalidad ng distance learning. Naging 7.6 na taon lang ang na­pulot na kaalaman ng nasa Grade 12.

Sa simula pa lang talo na ang mga bata. Isa sa bawat tatlo ng mga edad-5 pababa ay pumapasok nang gutom – kaya hindi handa matuto. Sila ang mga “putot, payat, bansot”. Natigil ng pandemya at online classes ang libreng pakain sa kanila sa paaralan.

Mababa rin ang kalidad ng pagtuturo. Tinuturing ang BS Education na kurso ng mga walang makuha. Hindi ito unang kursong nais ng magagaling sa klase. Sa PISA nung 2018, karamihan sa mga Pilipinong edad-15 na gustong maging guro ay bagsak.

Dapat puhunanan ng lipunan ang kinabukasan ng kabataan. Sa ibang bansa 4%-6% ng taunang GDP ang ginugugol sa edukasyon. Sa Pilipinas nitong dekada, minsan lang umabot sa 4%. Resulta: kulelat.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

EDUCATION
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with