_ngayon
^

PSN Opinyon

Para lalong sumigla ang ating ekonomiya, dapat magpabakuna

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Matapos ang halos isa’t kalahating taon mula nang magkapandemya, unti-unti nang nakakaahon at sumisigla ang ekonomiya ng ating mahal na lungsod.

Mula Enero hanggang Mayo 2021, tumaas ng seven per cent ang ating revenue collection. Ayon sa ating City Treasurer, umabot ng P12.09 billion ang revenue natin, kumpara sa P11.34 billion noong nakaraang taon.

Ang bulto ng ating revenue ay nanggaling sa business tax collections na umabot ng  P5.84 billion at sinundan ito ng real property tax collection na may total na P4.79 billion.

Ayon sa City Treasurer’s report, Mayo pa lang ay nasa 99.5 percent na ang ating real property tax collection, kaya naman 69 percent na ng total collection target para sa buong taon ang ating nakalap.

Ano ang ibig sabihin nito?

Una ay ang patuloy na tiwala ng taga-Makati sa pamahalaang lungsod. Nadarama ng mga taga-Makati ang bunga ng kanilang pinaghirapan sa social service programs ng pamahalaang lungsod sa larangan ng edukasyon, health, at social welfare. Alam nila na ang kanilang buwis ay ginagamit nang maayos at para sa kanilang mga pangangailangan at kapakanan.

Pangalawa ay ang pagkilala na bilang bahagi ng ating komunidad, ang pagbabayad ng buwis ang ambag sa pagsisikap natin na labanan ang pandemya.

Bukod pa rito, indikasyon ito na nagsimula nang makabawi ang mga negosyo sa Makati. Unti-unting nag­luluwag ang national government sa operation ng business establishments. Unti-unti nang bumabalik ang mga empleyado, kasama ang Makatizens, sa kanilang mga trabaho. Marami sa mga maliliit na negosyo ang dumaan sa hirap noong isang taon, ngunit marami rin naman ang nakaahon. Kasama rito ang mga negosyong tumanggap ng P100,000 grant mula sa pamahalaang lungsod. Ibinigay namin ang nasabing grant para maitawid nila ang kanilang mga negosyo, at kanilang mga empleyado, lalo na sa panahon ng tinatawag na hard lockdown.

Malaking tulong sa pagbabalik sigla ang pagbabakuna ng mga residente at mga nagtatrabaho sa Makati.

Magiging mas malakas ang loob ng mga negosyo kung ligtas at protektado ang kanilang mga empleyado pati na rin ang mga customer at kliyenteng papasok sa kanilang lugar.

Kapag nanumbalik ang dating sigla ng ating mga kumpanya, manunumbalik na rin ang trabaho at source of livelihood para sa libu-libong Makatizens.

Kaya nating pabilisin ang pagbabalik sa normal ng ating lungsod. Kung gusto nating pa-back to normal, magpabakuna na tayo.

TAX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with