^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Buwagin ang mga armadong grupo

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL -  Buwagin ang mga armadong grupo

Marami na ang naghahanda para sa 2022 elections. Ngayon pa lang maraming pulitiko na ang nagpaparamdam. Madalas nang nakikita ang mukha sa telebisyon at maging sa mga pahayagan. Limang buwan na lang at magpa-file na sila ng kandidatura. Kasunod na ang pangangampanya. Unang pagkakataon na mangangampanya sa panahon ng pandemya. Inaasahan nang maraming pagbabago para maipatupad ang health protocols.

Tiyak naman na naghahanda na rin ngayon ang mga private armed groups (PAGs) na labis na nama­mayagpag kapag sumasapit ang eleksiyon. Ang pananatili ng PAGs ang dahilan kaya walang tigil ang kaguluhan sa bansa, partikular na sa Mindanao­ na tinatayang may 12 grupo na nag-ooperate. Nga­­yong papalapit na ang election, naghahatid ng pa­ngamba ang ‘di-mapigilang pamamayagpag ng pribadong armadong grupo.

Babaha ang armas dahil sa PAGs. Buhay na buhay ang gunrunning activities. Katibayan na dumadagsa ang armas ay ang mga nakumpiskang matataas na calibre ng baril sa napatay na dating mayor ng Talitay, Maguindanao na si Montazir Sabal. Nahuli si Sabal habang nasa roll-on/roll-off (RORO) ferry sa Batangas City patungong Cebu. Nang inspeksiyunin ang kanyang sasakyan, natambad ang maraming baril at bala. Nang dinadala na sa Camp Crame si Sabal, nang-agaw ito ng baril hanggang mapatay ng isa sa mga escort. Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, ang mga baril ay binebenta ni Sabal sa teroristang BIFF. Malaki ang paniwala ni Eleazar na gagamitin din umano ang mga baril sa nalalapit na election.

Ayon sa National Task Force for the Disbandment of Private Armed Groups (NTF-DPAGs) walong private armed groups na nag-ooperate sa Maguindanao at General Santos City ang kanilang nabuwag sa unang tatlong buwan ng 2021. Ang mga nabuwag na private armed groups ay ang Datu Tha Sinsuat, Ibay, Pananggalan, Dingalen, Matalam, Abo at Mamasabulod sa Maguindanao, at ang Mudia Group sa General Santos City. Ayon kay Police Lt. General Jose Chiquito Malayo, commander ng Task Force Western Mindanao-NTF-DPAGs, ang pag-unti ng private armed groups ay resulta nang masidhing pagsisikap ng pamahalaan para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Mindanao.

Buwagin ang mga armadong grupo. Huwag nang hayaang mamayagpag pa ang mga ito lalo ngayong papalapit na ang eleksiyon.

vuukle comment

ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with