_ngayon
^

Supply ng bakuna kulang pa

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche (Pilipino Star Ngayon) - June 24, 2021 - 12:00am

Personal kong obserbasyon, lalo na sa aking mga kakilala na marami ang gustong magpabakuna. Ang problema lang madalas nauubusan ng bakuna sa mga vaccination centers kaya gustuhin man nilang maturukan, Narere-schedule sila.

Ngunit may mga lugar din naman na kahit sapat ang supply ng vaccines, ang nagiging problema ay marami ang takot magpabakuna. Kaya ang nangyayari, natetengga ang supply na namimingit mag-expire. Mabilis lumipas ang bisa o efficacy ng bakuna lalu na kung hindi naimbak sa wastong temperatura.

Gumamit na ng scare tactic si Presidente Duterte. Aniya, “arestuhin ang mga ayaw magpabakuna” sa dahilang sila ang magiging potential transmitters ng sakit na COVID-19. Kaso, kinontra siya ng sarili niyang Justice Secretary na si Menardo Guevara na nagsasabing walang batas para arestuhin ang mga ayaw magpabakuna.

Ang isang problema, kailangang magpa-schedule ng appointment ang isang tao bago mabakunahan. Mayroong mga vaccination centers na tumatanggap ng walk-in pero kadalasan ay hindi. Mas mainam marahil na kung may magpapabakuna na walang previous appointment ay bakunahan na para hindi nasasayang ang nakatenggang supply ng bakuna. Gawin na itong general policy.

May mga nakatakdang pagdating ng mga bakuna na sobra-sobra sa pangangailangan ng populasyon pero hindi pa dumarating. Mahalaga na mabakunahan ang nakara­raming tao para matamo na ng bansa ang herd immunity at matapos na ang pandemya.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with