_ngayon
^

Campaign period: NPA, happy na naman!

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche (Pilipino Star Ngayon) - June 23, 2021 - 12:00am

Masaya na naman ang mga teroristang New Peoples Army (NPA) dahil papasok na naman ang panahon ng pangangampanya. At bakit naman sila hindi magdiriwang gayung kikita na naman sila ng limpak-limpak sa mga kandidatong mangangampanya sa kanilang mga teritoryo?

Bukod sa pangungolekta ng tinatawag nilang revolutionary tax, ang panahon ng pangangampanya ay isang pagkakataon para lalong lumobo ang pondo ng mga mga teroristang nagkukunwaring rebelde. Kung magkagayon, aariba lalo ang mga ginagawa nilang pagpatay sa mga inosenteng tao, pangingikil sa mga negosyante at pananabotahe.

Tuwing eleksyon ginagawa nila iyan. Napipilitan ang mga kandidato na maghatag sa mga ito dahil kung hindi, maaari silang mapahamak sa sandaling pumasok sila sa teritoryo ng mga terorista nang walang binayarang permiso.

Sinabihan ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang lahat ng kandidato sa mga pambansa at lokal na posis­yon na huwag magbibigay ng salapi sa mga teroristang NPA. Tama naman dahil ang perang malilikom ng mga iyan ay gagamitin sa pandarahas sa sambayanan. Kung pulitiko ka at nagbibigay ka ng salapi sa mga iyan, isa ka na ring instrumento ng terorismo.

Pero talagang mahirap na hindi magbigay dahil buhay­ naman ng kandidato ang nakataya. Kaya yamang sinasa­bihan ng pulisya ang mga kandidato na huwag mag­bayad sa NPA, dapat dagdagan nito ang puwersa ng pulisya sa rebel hotspots sa panahon ng panga­ngampanya. Ito ay para sa proteksiyon ng mga kandidatong manga­ngam­panya roon.

NPA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with