_ngayon
^
EDITORYAL - Huwag paghiwalayin: Bakunado at di-bakunado

EDITORYAL - Huwag paghiwalayin: Bakunado at di-bakunado

(Pilipino Star Ngayon) - June 22, 2021 - 12:00am

MAY proposal na paghiwalayin ang bakunado sa hindi bakunado. Ito para raw hindi mahawa ang mga bakunado. Dapat daw ma-isolate ang mga hindi pa bakunado.

Hindi katanggap-tanggap ang ideyang ito. Magkakaroon ito nang hindi magandang impression sa mga hindi pa nababakunahan. Siyempre kung hindi pa bakunado, magkakaroon ng feeling na iiwa­san sila dahil wala pang turok. Hindi maganda ang planong ito.

Si Presidential Adviser on Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion ang nagpa­nukala na ihiwalay ang bakunado sa di-bakunado. Dapat daw itong ipatupad sa mga tanggapan o opisina. Ilagay daw ang mga hindi pa nababakunahan sa isang section. Sabi pa ni Concepcon, pati raw sa elevator, gym, fine dining restaurants at mga enclosed spaces na hindi maganda ang venti­lation ay dapat nakahiwalay ang bakunado sa hindi bakunado. Pero sabi ni Concepcion, pag-aaralan pa ang ideyang paghihiwalay sa mga bakunado at hindi bakunado. Hindi naman ito basta-basta ipatutupad.

Hindi sang-ayon ang Department of Health (DOH) sa ideyang ito. Mahabang usapan o debate ang gagawin bago ito maaprubahan. Ayon kay DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergerie, kung isusulong ito, sisilipin ang isyu ng karapatang pantao. May malalabag na karapatan kapag pinaghiwalay ang bakunado at di-bakunado. Ayon pa kay Vergerie, maaring makaisip pa nang mas magandang rekomendasyon kaysa rito.

Hindi maganda ang paghihiwalay ng bakunado sa di-bakunado. Tama ang DOH na may malalabag na karapatan. Pinaka-da best na magagawa ay apurahin ang pagbabakuna para lahat ay sama-sama na. Walang pinakamagandang paraan kundi pabilisin ang rollout ng bakuna para maabot ang herd immunity.

Sa kasalukuyan, pitong milyon pa lamang ang nababakunahan sa 109 milyong Pinoy. Masyado pang malayo para maabot ang 70 percent na kaila­ngan. Hindi na kailangang ihiwalay ang bakunado sa di-bakunado. Hindi na nararapat.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with