^

PSN Opinyon

Taya na sa lotto

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

ISANG lalaki mula sa Nueva Ecija ang nanalo ng P15 milyon sa lotto 6/42 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Sabado. Ayon kay PCSO Ge­neral Manager Royina Garma, natumbok ng lalaki ang mga numerong 23-02-31-20-06-28 na may kabuuang halaga na P15,445,170.20 jackpot prize. Siguradong maiaangat na ng masuwerteng lalaki ang kanyang pamumuhay ngayong may pandemya.

Nakatulong din ang lalaki sa PCSO para makalikom ng pondo para sa mga charitable needs ng mga mahihirap. ‘Di tulad ng mga ilegal na sugal na ang tanging tumitiba lamang ay mga dorobong kapita­lista na ni kusing ay hindi nagbabayad ng buwis sa pamahalaan. Kaya kung nagbakasakali kayong ma­nalo, sa mga palaro ng PCSO itaya dahil tiyak na may kukubrahing pera at makakatulong pa kayo sa mga kababayan.

Sinabi ni GM Garma na binili nang masuwerteng lalaki ang lucky ticket sa San Jose City, Nueva Ecija. Kaya ang panawagan siya sa jackpot winner na maari na niyang kubrahin ang panalo kahit anong oras mula ngayon. Magtungo lamang sa tanggapan ng PCSO sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City at magpresenta ng dalawang valid IDs.

Bukod sa jackpot winner, mayroon pang 36 na mapalad na mananaya na makapag-uwi ng tig-P24,000; 1,618 naman ang nanalo ng tig-P800 at 23,199 ang balik-taya na nagwagi ng tig-P20.

Kaya magbakasakali na. Tumaya sa legal na palaro ng PCSO. Ang lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado. May pag-asa ka nang maging mil­yonaryo, makakatulong pa sa kapwa.

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with