_ngayon
^

Magpabakuna para negosyo at trabaho, muling sumigla

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2021 - 12:00am

ANG Makati ang sentro ng negosyo ng ating bansa. Dito rin nagtatrabaho ang higit sa dalawang milyon nating kababayan, kabilang na ang mga taga-Makati. Ngunit dahil sa pandemya, maraming kompanya at business establishment ang napilitang magsara. Marami ang nawalan ng trabaho. 

Kung ang layon natin ay muling mabuhay ang negosyo, kung gusto nating bumalik ang sigla ng ating ekonomiya, walang duda na dapat magpabakuna ang mga empleyado sa Makati, taga-Makati man o taga-ibang lugar.

Dahil dito, minarapat namin na agad makipag-ugnayan sa mga kompanya sa Makati nang sa gayon ay masi­mulan na agad ang maramihang pagbabakuna sa lahat ng kanilang mga empleyado, residente man o hindi ng Makati.

Libre ang pagpapabakuna. Ang mga bakuna ay galing sa national government at bahagi ng vaccination program para sa kategoryang A4, o ‘yung tinatawag na essential workers at economic frontliners. Kapag dumating na ang order ng Makati na bakuna sa susunod na buwan, mas darami pa ang ating babakunahan na empleyado at residente ng Makati. 

Nitong nakaraang linggo lang, nagsimula na ang pagbabakuna sa 15,000 empleyado ng Rockwell Land. Sila ay office workers, security guards, janitors at maintenance staff at iba pang manggagawa ng nasabing kompanya.

 At ngayong Lunes, mga empleyado ng Ayala Corpo­ration at mga nagtatrabaho sa kanilang malls, banko at iba pang negosyo sa Makati na humigit kumulang 10,000 ang babakunahan.

 Sa ngayon, may apat na vaccination sites sa Rockwell, sa Makati Stock Exchange, Glorietta 5 at San Lorenzo Place na nakalaan para sa A4 category. Dagdag pa ito sa apat pang vaccination sites na para naman sa A1 (medical frontliners), A2 (seniors) at A3 (with comorbidity). Para maayos ang sistema at hindi matagal maghihintay, bawal pa rin ang walk-in. 

Natutuwa kami na ganadong magpabakuna ang mga empleyado sa Makati. Batid kasi nila na kapag sila ay nagpabakuna, may dagdag na proteksiyon laban sa COVID-19. 

Kapag marami, o lahat ng empleyado ay bakunado, mas mabilis ang pagbangon ng kompanya. Kapag maraming kompanya ang nakabangon, inaasahan na magsisimula na ring bumangon ang ating bansa.

At ang sinisiguro ko sa inyo, kahit hindi taga-Makati basta’t nagtatrabaho sa Makati, babakunahan natin. 

Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Magrehistro na para mabakunahan!

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with