_ngayon
^
EDITORYAL - Malaking tulong ang face shields

EDITORYAL - Malaking tulong ang face shields

(Pilipino Star Ngayon) - June 20, 2021 - 12:00am

TUTOL ang Department of Health (DOH) sa pasya ni President Duterte na huwag nang mag-face shields ang mamamayan at ang magsuot na lang ay mga nasa ospital. Una nang sinabi ng Presidente noong Miyerkules na alisin na ang polisiya sa pagsusuot ng face shields.

Sabi ng DOH, dapat ipagpatuloy ang pagsusuot ng face shields dahil mahusay itong proteksiyon. Malaking bagay para maiwasan ang COVID-19. Marami pa rin anila ang nagkaka-infection sa kasalukuyan bagama’t bahagya nang bumaba ang kaso. Nabawasan na rin ang pagsisiksikan ng COVID patients sa ospital pero hindi ibig sabihin ay maaari nang walang face shields.

Kumampi ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa DOH at sinabing nararapat pang ipagpatuloy ang pagsusuot ng face shields. Kailangan pa ring magsuot nito sa mga enclosed and indoor spaces, hospitals, schools, opisina at commercial establishments.

Nararapat ipagpatuloy ang pagsusuot ng face shields sapagkat nananatili pa ang virus sa paligid. Nakaabang lang ng dadapuan. Kung may face shields, mahaharang nito ang droplets na may virus. Mahusay itong proteksiyon at napatunayan na ng mga eksperto.

Bukod sa mahaharang ang virus, epektibong pananggalang din ang face shields para hindi mahipo ang mukha, bibig, mata at ilong. Epektibo rin ito para maiwasang dumura ang may suot. Mapapansin ngayon na bihira nang makakita ng mga dura sa kalye dahil sa suot na face mask at face shield.

Hayaang naka-face shields ang mga tao lalo pa ngayong kakaunti pa lamang nababakunahan. Ayon sa IATF, nasa pitong milyon pa lamang sa 109 milyong populasyon ng bansa ang nababakunahan. Masyadong malayo pa bago maabot ang herd immunity. Kapag naabot na ang target na nabakunahan saka lamang magpasya kung aalisin na ang face shields. Sa ngayon, huwag muna dahil malaki itong tulong.

DOH FACE SHIELD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with