_ngayon
^
EDITORYAL - Dami nang gusting magpabakuna peroâ¦

EDITORYAL - Dami nang gusting magpabakuna pero…

(Pilipino Star Ngayon) - June 19, 2021 - 12:00am

NAGBAGO na ang pagkakilala ng mga tao sa bakuna laban sa COVID-19. Kung dati, marami ang umaayaw at nangangamba, ngayon ay hindi na. Dumadagsa na ang mga tao sa vaccination centers para magpabakuna. Hindi na kailangang takutin ang mga tao ngayon para lamang makum­binsing magpabakuna. Sila na ang kusang luma­lapit para mabakunahan.

Katulad halimbawa ng inilunsad na QC Bakuna Nights noong Miyerkules ng gabi sa Quezon City Hall grounds. Dumagsa ang mga manggagawa para mabakunahan. Ginawang gabi ang vac­ci­nation para hindi na mag-absent ang manggagawa sa kani­lang trabaho. Naging matagumpay ang Bakuna Nights sapagkat maraming nabakunahan. Nagpa­patunay lamang ito na marami ang nagnanais mabakunahan para hindi dapuan ng virus. Hindi na nararapat pang pagsabihan o takutin na magpabakuna o mamatay.

Kahit sa Maynila, maraming residente ang gustong magpabakuna. Sa ginawang bakunahan sa Sta. Ana, Maynila noong Lunes, marami rin ang dumagsa at pumila. Pero mayroong pinaalis sa pila dahil para lamang daw sa taga-Punta. Maraming taga-ibang distrito ang umasang mababakunahan din sila kaya nakipila pero yun pala ay ekslubsibo sa mga taga-Punta. Maraming umuwing bigo sapag­kat hindi nabakunahan. Maaga pa naman daw nang sila ay pumila.

Ang senaryo ay nagpapakita lamang na mara­ming mamamayan ang gustong magpabakuna. Maraming nagtutungo sa vaccination site at nagbabakasakaling mabakunahan pero hindi matupad dahil hindi sapat ang suplay. Kulang ang suplay ng bakuna.

Ang mga nangyayaring ito na marami nang gustong magpabakuna ay kumukontra sa sinasabi ni President Duterte na marami raw tumatangging magpabakuna. Kaya nagbabala siya sa mga tumatanggi na magpabakuna o mamatay? Bumili na lang daw ng kabaong o kaya’y magpasunog.

Hindi na dapat takutin ang mamamayan. Marami nang gustong magpabakuna. Ang tanong may sapat bang suplay ng bakuna para sa mamamayan. Ang tanungin muna niya ay ang DOH at IATF.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with