_ngayon
^

Presidentiables dapat walang ingay kundi puro trabaho lang

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - June 19, 2021 - 12:00am

NAPAPAILING ako sa mga political developments habang papalapit ang 2022 Presidential elections. Kahit malaki pa ang problema sa pandemya, ang nababalitaan natin ay puro bangayan at patutsadahan ng mga pulitikong may ambisyong maging Presidente. Sa halip na asikasuhin ang mga problemang kinakaharap ng bansa, nagbaba­tuhan ng putik sa isa’t isa.

Naririyan ang patutsadahan nina VP Leni Robredo at Davao City Mayor Sara Duterte hinggil sa isyu ng tamang pangangasiwa sa COVID-19 pandemic. Nariyan din ang pasundot-sundot ni Yorme Isko Moreno lalo na sa isyu na hindi aniya minamana ang puwesto ng panguluhan sa bansa. Si Senador Manny Pacquiao ay sunud-sunod din ang pagbatikos pati kay President Duterte na  chairman ng partidong kanyang kinabibilangan.

Kung may isa akong nakikitang may potensiyal na tumakbo sa pagka-Presidente, ito ay walang iba kundi si Taguig Rep. at dating House Speaker Alan Peter Cayetano. Maraming taon na ang nakararaan, madalas kaming magkasama sa mga Christian gatherings. Pareho kaming Born Again Christian. Naitanong ko sa kanya kung wala siyang balak tumakbo sa pagka-Presidente at ang sagot niya noon ay “underage” pa siya. Matagal na ‘yun at ngayo’y nasa tamang edad na siya.

Ngayon, wala siyang kaingay-ingay bagama’t nasabi niya kamakailan na kinukonsidera niya ang pagtakbo sa Panguluhan.  Ang kapuri-puri sa kanya, puro siya trabaho. Ipinaglalaban niya sa ngayon ang paglikha ng Departamentong ekslusibo para sa OFW na hangga ngayon ay hindi inaaksyunan ng Senado gayundin ang P10,000 ayuda para sa bawat pamilya na malubhang tinamaan ng pandemya.

Marami pa ang mga lumilitaw na pangalan para kumandidato sa top national positions. Nariyan sina Senate President Tito Sotto, Senador Ping Lacson at maging si dating Senador Antonio Trillanes na nagpahayag na ng kanyang interes na tatakbong Presidente kung hindi tatakbo si VP Leni para sa naturang posisyon. 

Sa Oktubre na ang filing ng certificate of candidacy para sa mga gustong kumandidato. Pero wala na sanang patutsadahan at siraan kahit pa pinag-uusapan natin ang pulitika. May mga nagsasabi na hindi pa dapat pag-usapan ang pulitika dahil maaga pa. Para sa akin,  pag-usapan na ito para ang mga tao ay makapamili ng maayos. Maghayag na lang ng plataporma nang hindi kailangang manira ng ibang pulitiko. Pagandahan na lang ng programa.

Ilantad din sa publiko ang track record para masusing makilatis. Ihayag ng mga kandidato ang  gagawin para sa economic recovery imbes na mag-iringan at mag-bangayan. Ay naku, kailan pa tayo magiging politically mature?

ELECTION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with