_ngayon
^

Pagbigay ng bakuna na ang isyu

K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - June 19, 2021 - 12:00am

PINANOOD ko ang ilang video ng mga nagwawalang pasahero sa mga eroplano sa US, dahil ayaw nilang magsuot ng face mask o face cove­ring habang nasa loob ng eroplano. Nagiging mas tensyonado pa ngayon dahil may mga pasahero na ayaw nang magsuot ng face mask dahil bakunado na raw sila. Hindi naman malalaman kung nagsa­sabi nang totoo dahil wala pa namang tinatawag na “vaccine passports” sa US. May mga okasyon na dahil masyadong bayolente na ang tinutukoy na pasahero, kailangang ilihis ang lipad at ilapag sa pinakamalapit na paliparan para mahuli ang pasahero. May okasyon na hinihingi ng piloto ang tulong ng mga pasahero para pigilan ang magulong pasahero para maposasang pansamantala.

Ayon sa US Federal Aviation Authority, 2800 kaso ng mga magugulong pasahero ang naitala na nila mula Enero ng taong ito. Ang dami niyan. Kailangan pa ring magsuot ng face mask kapag lumilipad kahit bakunado na o kahit marami na rin ang nababakunahan. Pero ang maraming Amerikano, karapatan, kalayaan ang laging dahilan kung bakit ayaw sumunod. Hindi rin mababalewala ang impluwensiya ng dating US president sa pag-iisip ng mga ito.

Dito wala pa yata akong nababalitaang nagwawalang pasahero sa eroplano dahil ayaw magsuot ng face mask. Siguro masasabi ko, subukan nila. Iba ang kultura natin dito. May mga hindi magdada­lawang-isip na saktan ang magulong pasaherong iyan kung nagkataon. Hangga’t hindi makakamit ang herd immunity ng lahat ng bansa sa mundo, hindi magiging tunay na ligtas ang lahat. Ngayon pa lang, may bagong variant na lumalabas muli. 

Sa Pilipinas, 4.63% ng populasyon ang nakatanggap na ng first dose ng bakuna noong Hunyo 13. Malayo pa talaga. Kahit nababalitaan ang mil­yun-milyong bakuna na dumating na o parating na, mukhang ang pagbigay ng bakuna ang nagiging isyu naman ngayon. May mga LGU na umaangal na hindi sila nakakatanggap ng bakuna. Ang nais ng gobyerno ay mabigyan na muna ang mga lugar sa labas ng NCR Plus kung saan dumarami ang positibong kaso.

Ito ang nagiging bagong problema ng gobyerno ngayon. At huwag nating kalimutan ang porsiyento ng populasyon na ayaw pa ring magpabakuna dahil sa sari-saring dahilan, karamihan ay dahil sa maling­ impormasyon. Malinaw naman ang mensahe ni President Duterte, magpabakuna o mamatay. Wala na sigurong lilinaw pa riyan.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with