^

PSN Opinyon

Mga totoy at nene nasa digmaan na

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Nakababahala ang ginagawang pagre-recruit sa mga bata para gawing “child warrior” ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA). Mga totoy at nene pa pero nasa digmaan na. Edad 12 pero sanay nang humawak ng armas. Sa pagdiriwang ng Father’s­ Day sa Linggo, sinong ama ang hindi madudurog ang puso sa mga nangyayaring ito?

Ayon sa National Task Force to End Local Communist­ Armed Conflict (NTF-ELCAC), sa sagupaan ng government­ troops at New People’s Army sa Prosperidad, Agusan­ del Sur noong Hunyo 14, kabilang sa mga napatay ay tatlong “child warrior” samantalang isa ang nahuli na nakilalang si Ka Cindy, 12-anyos.

Nagpapatrulya umano ang mga sundalo ng 401st Infantry Brigade sa Bgy. Mabuhay, nang makasalubong ang 10 rebelde na kinabibilangan ng apat na “child warrior”.

Nang masinsinang kausapin si “Ka Cindy”, agad niyang itinuro ang pinagkukutaan ng mga kasamahan. Kinabukasan, naglunsad ng operasyon ang mga sundalo sa Sitio New Decoy, Bgy. Diatagon, Lianga. Nagkaroon ng labanan na ikinamatay ng apat na rebelde, kabilang dito ang isa pang “child warrior’’.

Nasamsam sa kuta ng mga rebelde ang mga matataas na calibre ng baril, mga gamit sa paggawa ng bomba o landmines at personal na gamit ng mga rebelde.

Kinukondena naman ng non-governmental organizations (NGOs) ng Philippine Task Force for Indigenous Peoples’ Rights (TFIP) ang kamatayan ng apat na bata na umano’y mga magsasakang Manobo.

Hanggang saan hahantong ang labanang ito na pati mga mga totoy at nene ay nire-recruit na para makipaglaban? Ilan pa ang mamamatay na mga bata bago malunasan ang digmaang ito?

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

vuukle comment

CPP-NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with