^

PSN Opinyon

Mangahas singilin ang China sa pag-agaw ng dagat natin

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

“Dapat mangahas singilin ang China sa pag-agaw at pagwasak ng ating mga bahura,” panawagan ni retired Supreme Court associate justice Antonio Carpio sa gob­yerno. “Kung matakot tayo, hindi natin maipagtatanggol ang ating West Philippine Sea laban sa pambubusabos ng China.”

Mahigit P9.725 trilyon na ang halaga ng pagyurak ng China:

(1) P231 bilyon sa pagkongkreto at paglaspag ng walong bahura nu’ng 2014-2020;

(2) P644 bilyon sa taunang pagnakaw ng 1.2 bilyong kilo ng isda nu’ng 2014-2020; at

(3) P8.85 trilyon sa aktuwal na pagwasak sa corals at “upa” sa pag-okupa ng walong bahura mula 1988.

Tinaguyod ng Permanent Court of Arbitration nu’ng 2016 ang karapatan natin sa WPS, o 200-mile exclusive economic zone. Pinasyang ilegal ang pananakop at pagkongkreto ng mga bahura bilang island garrisons, at pagnanakaw ng pagkaing dagat sa Panatag Shoal at Recto Bank. Dahil du’n maaring maghabla ang Pilipinas ng danyos.

Payo ni Carpio na dumulog sa International Tribunal on the Law of the Sea. Hinalimbawa niya ang tagumpay ng Netherlands laban sa Russia sa sigalot sa Arctic Sea nu’ng 2013. Hinabla ng Netherlands ang Russia sa pagkulong sa 28 environmentalists at mamamahayag, at pagwasak sa barko nilang Arctic Sunrise nu’ng nagprotesta laban sa offshore oil drilling. Minultahan ng ITLOS ang Russia ng $6 milyon pero tumawad at nagbayad ang huli ng $2.7 milyon.

“Katunayan ‘yun ng katarungan sa karagatan,” ani Carpio. “Maski bansang may nuclear arms at miyembro ng United Nations Security Council ay napapasunod sa international law.”

Kapag manalo na ang Pilipinas at ayaw magbayad ng China, maaring ilitin ang ari-arian nito sa iba’t ibang bansa, ani dating foreign secretary Albert del Rosario. Pati assets nito sa Pilipinas makukumpiska.

vuukle comment

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with