_ngayon
^

Bakit nakakalusot?

K KA LANG? - Korina Sanchez (Pilipino Star Ngayon) - June 17, 2021 - 12:00am

Kabalintunaan nga na ang ahensiyang may tungkulin at responsibilidad na mabigyan ng magandang edukasyon sa lahat ang maglalabas ng araling may nanlilisik na kamalian at malaswang salita na ayon kay Antonio Calipjo Go ay hindi pa niya nakikita kahit saan, kahit sa Tiktik. Hindi ko kailangang ulitin ang salita rito pero nagulat ako na ang ganitong bagay ay makakalusot muli sa panana­liksik ng DepEd. Magkakamot ka talaga ng ulo kung bakit nakakalusot.

Nagkaroon ng pagdinig sa Kongreso kung saan pina­liwang ni DepEd Usec. Diosdado San Antonio na pinuna nila ang 155 mga mali sa mga learning modules mula Oktubre 2020 hanggang Hunyo 2021. Ang mga learning modules na ito ay ginagamit sa distance learning ng mga mag-aaral ngayong panahon ng pandemya.

Pinapaalam daw nila kaagad sa mga guro ang mga mali para mabawi at maitama kaagad. Pero hindi malayo na nabasa na ng mga mag-aaral ang mga mali o salitang kabastusan na ginamit sa mga materyales na ito.

Pinaliwanag ng DepEd na ang mga learning modules ay nagmumula sa iba’t ibang mapagkukunan. Sa mada­ling salita, hindi ang DepEd ang naglalabas ng mga ito. Parang sinasabi na hindi nila kasalanan.

Kaya ang tanong, sino ba ang mga nagbibigay ng mga learning modules at ano ba ang tinapos nila sa pag-aaral at may ganitong mga mali? Kung ganyang may mga pagka­kamali baka mas matalino pa ang mga mag-aaral na guma­gamit ng mga inilalabas nilang materyales.

Ilang beses na rin naging problema ito ng DepEd kahit sa mga nakaraang administrasyon. May mali talaga sa sistema. Kung galing sa iba’t ibang pinagkukunan ang mga aklat o learning modules, hindi ba kailangang dumaan sa parang quality control lahat iyan kung saan mataas ang pinag-aralan ng mga manunuri o sabihin nang nagtapos sa mga kilalang magagandang unibersidad. Para wala nang makalusot na mga nanlilisik na mali at salitang kabastusan.

Kapag nabasa na ng mga mag-aaral iyan wala na rin magagawa ang pagbawi at pagtama, mas lalo na kung kabastusan ang nabasa. Nakaukit na iyan sa kanilang pag-iisip at baka pinag-uusapan na rin nila.

DEPED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with