^

PSN Opinyon

Father’s Day

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Sa Linggo ay gugunitain ang Father’s Day, araw na ipinagdiriwang natin ang lahat ng ama. Tayong narito pa sa mundo, magpasalamat kapag naalala tayong batiin ng ating mga anak at mahal sa buhay. Sa mga hindi na natin kapiling, pagkakataon itong gunitain ang kanilang ginampanang papel sa ating buhay na tumulong sa paghubog ng ating pagkatao.

Sa akin ay hindi talaga malilimutan ang Father’s Day dahil ito rin ang araw, Hunyo 20, ng pagpanaw ng aking ama. Limang taon na ang nakararaan nang siya’y suma­kabilang buhay.

Naging napakalaki niyang impluwensiya sa akin. Sa piniling karera, sa pakitungo sa kapwa, sa pagiging seryoso sa anumang tahaking landas, sa kung paano maging isang mabuting ama.

Napakarami niyang alaalang iniwan. Bilang isang lingkod bayan, dalawa ang kanyang katotohanan. Iyong mukhang hinaharap sa tao at ang anyong nireserba niya para sa pa­milya.

Sa kanyang public face, dahil sa mahigit 50 taon na serbisyo sa bansa, hindi mabilang ang naiambag niya sa kasaysayan. Karamihan nito ang naganap nang ako’y nag­kamuwang na.

Marami rin siyang kontribusyong nauna na. Kahanga hanga ang kanyang mga nagawa. Hindi rin naman lahat­ ng kanyang desisyon ay napatunayang tama. Ang maha­­laga ay sa huli, napangatawanan niya ang tiwala ng taumbayan.

Matimbang lahat ng pinagdaanan namin subalit ang mga alaala sa likod ng telon ng pulitika ang higit na hindi malimutan. Kasama ang pamilya, naglilingkod sa simbahan, ang patuloy na pag-aaral anuman ang kanyang edad, ang pag-enjoy sa sports – ilan lamang ito sa mga katangiang higit na nagpalapit sa amin sa kanya. Kapwa sa pampubliko at pribadong buhay, ipinagmamalaki ko na ako’y naging anak niya.

Ang bawat isa ay may sariling pinagdadaanan kasama ang ama. Ikinakatuwa ng marami, sinusubukan namang intindihin ng ilan. Sa linggong ito, sariwain sana natin ang mga alaala. Nawa’y maging daan ito upang maging masaya o, kung hindi man, para nang mang-unawa.

vuukle comment

FATHER’S DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with