^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Tadtarin pa ng protesta ang China

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Tadtarin pa ng protesta ang China

MULA noong nakaraang Marso, umaabot na sa 100 diplomatic protests ang inihain ng Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China. Ang pinakahuli ay inihain noong nakaraang Mayo 28. Kung may mga susunod pang paghahain, si Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin lamang ang makapagsasabi. Pero kung titingnan ang ginagawa ng China na patuloy na inookupahan ang West Philippine Sea (WPS) at tila bingi na, baka maghain pa ng protesta si Locsin. Siya na lamang ngayon ang tanging maingay sa paghahari-harian ng China sa teritoryong sakop ng Pilipinas. Nagsalita nang masakit si Locsin sa kanyang twitter laban sa China noong Mayo hinggil sa pananatili ng mga sasakyang dagat nito sa WPS.

Hanggang ngayon, nananatili pa rin ang 200 Chinese vessels sa karagatang sakop ng Pilipinas. Noong Abril, nagsalita si Defense Sec. Delfin Lorenzana na lisanin na ng China ang Julian Felipe Reef. Sabi ng Chinese Ambassador, sumisilong daw ang mga barko dahil may bagyo. Pero ang sagot ni Lorenzana, hindi siya tanga para maniwalang naroon ang mga barko para sumilong. Bakit daw sisilong e wala namang bagyo?

Nang buwan ding iyon, hinabol ng China Coast Guard ang Pinoy vessel na lulan ang ABS-CBN reporter. Tumigil lamang ang CCG sa paghabol nang malapit na sa Palawan ang Pinoy vessel.

Ang pananatili ng mga Chinese vessels sa WPS ay nagdulot nang kahirapan sa mga mangingisdang Pinoy sa Zambales. Mula nang maglipana ang mga Chinese vessels sa karagatang pinangingisdaan ng mga Pinoy, wala na silang mahuling isda sa lugar. Apektado ang kanilang kabuhayan. Nagugutom ang kanilang pamilya. Ayon sa mangingisda, ang presensiya ng Chinese vessels sa lugar ay naghahatid sa kanila ng mga pangamba sapagkat kung mananatili ang mga ito roon sa habampanahon paano ang kanilang ikabubuhay. Paano sila mabubuhay.

Bingi ang China sa protesta ng Pilipinas. Hindi rin nito kinikilala ang UN-backed tribunal na napanalunan ng Pilipinas noong Hulyo 2016. At lalo pa ngang lumakas ang loob ng China sapagkat mismong si President Duterte ang nagsabing kapirasong papel lamang iyon.

Hindi dapat manahimik sa isyung ito. Dapat magkaisa para maipaglaban ang soberenya. Ang pananahimik ay nagpapahiwatig na tinatanggap ang kanilang paghahari-harian. Maghain pa ng protesta.

vuukle comment

DFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with