_ngayon
^

Bagong vaccination sites para sa A4 group bukas na!

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2021 - 12:00am

Noong nakaraang linggo, binuksan namin ang dalawang bagong vaccination sites sa lungsod ng Makati sa pakikipagtulungan sa pribadong sektor.

Ang una ay sa Glorietta 5 mall at ang isa naman ay sa San Lorenzo Place mall. Ang dalawang vaccination sites ay nakalaan sa pagbabakuna ng mga indibiduwal na kabilang sa A4 category sa priority list ng Department of Health (DOH).

Napakabilis ng naging tugon ng ating partners sa pribadong sektor para sa pagtatayo ng karagdagang vaccination sites. Lubos akong nagpapasalamat sa Ayala Corporation at Megaworld Corporation sa kahandaan nilang makipagtulungan sa lungsod sa pagsisimula ng kritikal na bahagi ng Bakuna Makati mass vaccination program.

Alam po nating lahat ang kahalagahan ng mabilis at ligtas na pagbabakuna, lalo na sa hanay ng mga manggagawa sa pribadong sektor. Sila ang itinuturing na ‘economic frontliners’ at nakasalalay sa kanila ang muling pagsigla ng mga negosyo sa lungsod. Kasama natin sila sa ating adhikaing magtuluy-tuloy na ang pagbangon at muling pagyabong ng lokal na ekonomiya.

Sa vaccination site sa ikatlong palapag ng Glorietta 5 na may entrance sa Courtyard Drive, Ayala Center tapat ng Rustan’s, layong mabakunahan kada araw ang 500 indibiduwal na rehistrado sa A4 category. Samantala, 400 indibiduwal kada araw naman ang kayang bakunahan sa vaccination site sa ikalawang palapag ng San Lorenzo Place, na nasa kanto ng Chino Roces Avenue at EDSA.

Ang mga kumpanya at negosyo na nag o-operate sa Makati ay maaaring magrehistro ng kanilang mga empleyado para sa libreng bakuna. Pumunta lamang sa makatibusiness.safemakati.com at i-submit ang mga hinihinging dokumento at requirements.

Nais ko ring ibalita na bukod sa allotment na ibinibigay ng national government ay parating na ang inorder ng lungsod noong Enero na one million doses ng bakuna. Ibig sabihin nito, talagang magiging full blast na ang pagpa­patupad ng ating Bakuna Makati. Inaasahan nating magdadagdag pa ng vaccination sites sa lungsod upang maserbisyuhan lahat ng mga nagpaparehistro, pati na ang daang libong manggagawa sa pribadong sektor.

Bunsod nito, kami ay nananawagan sa medical professionals at allied health care workers, kabilang ang mga empleyado ng wellness clinics at health spas sa lungsod, na sumali bilang volunteers at maging bahagi ng Bakuna Makati vaccination teams. Magbibigay ang lungsod ng honorarium sa mga matatanggap na volunteer. Puwedeng maging vaccinators ang mga lisensyadong nurse, midwife at pharmacist na may COVID-19 vaccinator training. Ang mga lisensyadong medical doctor naman ay maitatalaga bilang screeners at sa post-vaccination monitoring. Mag-email lamang sa bakuna.makati@gmail.com  para sa mga detalye.

Samantala, magpapatuloy ang pagbabakuna ng mga kabilang sa A1 hanggang A3 sa priority list ng DOH sa Makati Coliseum, Vax OTG sa Circuit Makati grounds, at sa iba pang vaccination sites sa public schools at villages ng lungsod.

Unti-unti nang naisasakatuparan ang plano ng Makati na mabakunahan ang malaking bahagi, (kung hindi man buong) populasyon ng lungsod kontra-COVID.

Mahaba ang naging proseso at kinailangan ng masusing pag-aaral at paghahanda bago nailunsad ang ating Bakuna Makati program. Salamat sa inyong pagtitiwala, suporta, at patuloy na pakikipagtulungan sa ating medical frontliners, naipapatupad natin ito nang maayos at ligtas para sa Proud Makatizens

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with