_ngayon
^

China singilin sa nakaw na bahura at pangisdaan

SAPOL - Jarius Bondoc (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2021 - 12:00am

Kaalyado ng Pilipinas ang America. Sa Phl-US Mutual Defense Treaty magtutulungan tayo kapag inatake sa Pacific at bahagi nito na South China Sea. Pinagkasunduan ito nu’ng 1951 bilang panangga sa panlulupig ng Chinese Communist Party sa mga katabing bansa. Ginawang probinsiya ang Tibet at Inner Mongolia, at komunista ang North Korea, Laos, Cambodia, at Vietnam. Muntik na ang Indonesia.

Lumalala ang agresyon ng CCP sa karagatan. Pitong bahura natin ang kinongkretong island garrisons. Simula 2013: Kagitingan, Zamora, McKennan, Calderon, Mabini, at Burgos. Nauna nu’ng 1995 ang Panganiban. May missiles, fighters, bombers, at barkong pandigma. Nawasak ang kalikasan. Naglaho ang mga isda na nangingitlog at nanginginain doon. Nawalan ng pagkukuhaan ng rare metals, new medicines, at biotechnology ang Pilipinas.

Inokupa ang Panatag Shoal sa Zambales, Sandy Cay sa Pag-asa, at Recto Bank sa Palawan. Nilalaspag ang mga tradisyonal na pangisdaan natin. Sa Recto nu’ng 2019 binundol ng bakal na Chinese maritime militia trawler ang nakaangklang kahoy na bangkang Pilipino, at inabandona ang 22 mangingisdang tumilapon sa dagat. Sa Panatag mula 2012 mina-machinegun at water cannon ang mga mangingisda natin sa sariling West Philippine Sea. Natatakot nang lumayag ang mga Pilipino. Mahigit 350,000 ang nasirang kabuhayan sa dagat.

Ang WPS ay 200-milyang exclusive economic zone natin sa SCS. Mahigit 800 milya ang layo mula China. Ilegal ang ginagawa ng China, anang Permanent Court of Arbitration nu’ng Hulyo 2016.

Dahil du’n maaring maghabla ang Pilipinas ng danyos. Aabot sa P9.7 trilyon ang dapat pabayaran sa manlulupig. Bakit gan’un ang dapat singilin? (Itutuloy bukas)

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

SOUTH CHINA SEA
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with