_ngayon
^

600 katao sa Quezon province tepok sa COVID

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2021 - 12:00am

Sinisisi ng ilang taga Quezon province ang palpak na management ni Governor Danny Suarez sa pagkontrol ng pandemic sa pagkamatay ng halos 600 katao sa lalawigan dahil sa sakit.

Grabe ang sitwasyon sa Quezon. Si Governor mismo at ang kanyang asawang si Congresswoman Aleta ay nadale ng sakit. Pero iba ang kaso ng mayaman sa mahirap. Agad silang nakaligtas sa kamatayan ngunit maraming mahihirap sa probinsiya ang namatay. Kaya ramdam daw ng mga mamamayan doon na pinabayaan na sila ng pamahalaang panlalawigan.

Ang siste, mismong si Governor ay nakita ng mga photographers na gumagala na walang face masks. Ayon mismo kay Dr. Grace Santiago, head ng Integrated Provincial Health Office (IPHO), isa sa mga kadahilanan ng pagkalat ng COVID-19 ay ang hindi pagsunod ng mga tao sa health protocols tulad ng pagsusuot ng face masks. Pero paano susunod ang mga tao kung ang pinuno nila ay hindi?

Ipinag-utos na ni Lucena Mayor Roderick Alcala ang mahigit 600 niyang mga village marshals upang pagsabihan o disiplinahin ang mga pasaway. Salamat din at walang tigil ang pagbigay medical assistance  ni 4th district Congresswoman Helen Tan at nanawagan pa ito ng dagdag bakuna para sa lalawigan.

Nauna nang inamin ni Suarez sa isang panayam ng National Press Club na pagod na siya at matanda na. Kung magkagayon, mabuting magretiro na lang at mag-enjoy sa nalalabing panahon ng kanyang buhay.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with