_ngayon
^
EDITORYAL - Problema sa illegal drugs bangungot pa rin

EDITORYAL - Problema sa illegal drugs bangungot pa rin

(Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2021 - 12:00am

Nananatiling bangungot ang problema sa ilegal­ na droga. Hindi na ito kayang lutasin pa ni President Duterte sapagkat lilisanin na niya ang Malacañang sa susunod na taon. Magreretiro na raw siya. Kaya ang usap-usapang tatakbo siyang Vice President ay hindi totoo. Wala na raw siyang balak at maski nga ang anak niyang si Sara ay sinabihan niyang huwag tumakbong Presidente.

Kung joke lamang ang mga sinabi ni Digong, walang nakaaalam basta ang malinaw ngayon sa pag-alis niya bilang Presidente, hindi niya napagtagumpayan ang laban sa ilegal na droga. Hindi niya natupad ang pangako sa kanyang kampanya na wawakasan ito. Lumipas ang anim na taon niya na walang nakitang pagbabago sa problema ng ilegal na droga. Halos araw-araw, may nakukum­piskang shabu na milyones ang halaga. Saan galing­ ang mga ito at hindi nauubos. Nire-recyle ba ang mga nakukumpiska?

Ang isa pang nakapagtataka, mga pipitsugin ang nadadakmang drug pushers ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Bakit hindi big time drug lord ang lambatin. Nagkukumpetensiya pa sila ng mga pulis sa drug bust at sila-sila ang nagbabarilan at nagpapatayan. Dahil sa kanilang kawalan ng sistema, naglulundagan sa tuwa ang mga sindikato ng droga.

Nasaan na ang mga pinangalanang big time drug lord ni President Duterte noong 2016? Marami siyang nasa listahan at ang iba pa ay mga pulitiko. Binantaan niya ang mga ito. Ngayon ay wala nang naririnig sa mga bigating drug lord.

Maraming napatay sa unang sigwada ng paki­kipaglaban sa ilegal na droga. Maraming na-tok­hang. Maraming bumulagta sapagkat nanlaban umano sa mga pulis. Ang masaklap nga lamang, mga “mali­liit na isda” ang nalambat at walang “malalaking isda”.

Bigo si Duterte sa kanyang layunin na maging drug free ang bansa. Hindi siya nagtagumpay. Sana ang papalit sa kanya ay mas may tapang na lupigin ang ilegal na droga. Sana maisakatuparan para wala nang bangungot.

DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with