^

PSN Opinyon

Naghabol ang ampon

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Ang isa sa paraan para patunayan ang relasyon ng ama at anak ay ang isang pampublikong dokumento o isang pribadong kasulatan na pirmado ng sinasabing magulang. Pero sapat na ba ang thumbmark ng ama? Ito ang sasagutin sa kaso nina Sonny at Tony.

Sina Sonny at Tony ay mga anak sa labas nina Larry at Emilia na katulong sa tahanan nina Larry at asawa nitong si Millie na isang French. Walang anak ang mag-asawa. Noong 37-anyos na si Sonny at si Tony naman ay 32, pormal na kinilala ni Larry ang mga anak niya kay Emilia.

Noon ay bulag at nakaratay na sa higaan ang lalaki kaya magkatuwang na ginawa nina Larry at Emilia ang dalawang notaryadong dokumento na tinatakan na lang ng thumbmark ni Larry para pormal na kilalanin ang dala­wang anak. At isang dokumento na solong ginawa ni Larry sa pagkilala sa mga anak. Ang mga testigo sa dokumento ay sina Rita, ang taga-ayos ng buhok ng kapatid niya at si Tony na kaibigan ni Gardo.

Makalipas ang 16 na taon, nagsampa ng petisyon sina Sonny at Tony para pormal silang kilalanin ng korte bilang mga anak sa labas ni Larry. Dahil hindi nila kilala ang mga kaanak ng ama ay walang naging kalaban. Pero pagkatapos lang ng dalawang buwan, biglang sumulpot si Naty at nagsampa ng oposisyon sa petisyon nila.

Ayon kay Naty, hindi siya pormal na inampon ng mag-asawang Larry at Milly pero pinalaki siya bilang anak mula pa noong dalawang taon ang kanyang edad. Ang totoong tatay daw nina Sonny at Tony ay si Cardo na “boy” naman sa bahay ni Larry. Ayon kay Naty, peke ang mga dokumentong isinumite nina Sonny at Tony.

Kaya pinadala ng RTC sa NBI ang mga dokumento para malaman ang totoo. Napatunayan naman ng isang fingerprint examiner sa NBI na totoong thumbmark ni Larry ang nasa dalawang dokumento. Nagsampa rin ng mosyon si Naty para sa DNA testing ni Larry kahit patay na ang lalaki pero hindi na ito pinagbigyan ng RTC. Nagpatuloy ang paglilitis sa kaso.

Si Sonny lang ang tumestigo dahil namatay na rin ang kapatid niyang si Tony pati ang nanay nila na si Emilia na dapat sana ay kapalit na testigo ni Tony. Si Sonny ang testigo para suportahan ang kaso sa pagkilala sa kanilang karapatan bilang anak samantalang si Naty naman ang testigo ng oposisyon. Para patunayan na siya ang kinikilalang anak ay nagsumite sana si Naty ng mga litrato bilang ebidensiya pero hindi ito pinagbigyan ng RTC at CA.

Matapos ang paglilitis, naglabas ng desisyon ang RTC pabor sa pagkilala kina Sonny at sa namatay na si Tony bilang mga anak sa labas ni Larry. Kahit ang CA ay parehas ang hatol nang umapela si Naty. Binigyang halaga  ng CA ang mga dokumento ng pagkakilanlan na ginawa ni Larry. Tama ba ang CA?

TAMA. Ayon sa Supreme Court, Ang paglagda gamit ang thumbmark ay isang legal na paraan ng pagpirma lalo kung hindi na kayang isulat ng taong sangkot ang kanyang pangalan tulad sa kaso ni Larry. Ang katotohanan ng mga dokumento ng pagkilala pati ang kredibilidad ng mga testigo tulad ng expert witness  ay mga tanong na tumatalakay sa halaga o bigat ng ebidensiya na inihain ng mga nagsampa ng kaso.

Binibigyan ng halaga ang mga pagkilala ng korte kahit hanggang sa pag-apela sa kaso dahil sila ang nasa posisyon para suriin ang ebidensiya at obserbahan ang kilos o galaw ng mga testigo para mapatunayan kung nagsasabi nga sila ng totoo. Ang malilit na pagkakaiba na binanggit ni Naty ay hindi mahalaga at hindi sapat para banggain ang regularidad ng mga notaryadong dokumento. Ang isang notaryadong dokumento o ang tinatawag na “public document” ay ipinapalagay na regular maliban na mapatunayan na hindi totoo sa pamamagitan ng matibay na ebidensiya.

Ang paratang ni Naty ay hindi sapat para ituring na ebidensiya. Hindi na rin importante ang pagresolba sa isyu ng DNA testing lalo at nagkaroon na ang RTC ng konklusyon na tunay na mga anak sa labas ng namatay na si Larry ang magkapatid na Tony at Sonny. Tama lang na katigan ng SC ang hatol ng CA na kinampihan ang hatol ng RTC (Agustin vs. Sales, G.R. 189289, August 31, 2016).

vuukle comment

BATAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with