_ngayon
^

Doktor na ayaw mag-quarantine, kulong!

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2021 - 12:00am

Marami talagang pasaway sa ating mga Pinoy at kasama na riyan si Harvey Balucating, 42, rural health physician ng Lubao, Pampanga. Dahil sa katigasan ng ulo, si Balucating ay mapapabilang sa hanay ng opisyales ng barangay at gobyerno na kinasuhan ng paglabag ng Bayanihan Heal as One Act.

“Doktor pa naman subalit hindi marunong sumunod sa alituntunin ng gobyerno laban sa COVID virus,” ani Col. Tom Ibay, ang director ng Pampanga police. Imbes na magpahinga sa quarantine facility ng Pampanga, si Balucating, kasama ang driver na si Salvador Dimson lll, 35, ay naghihimas ng rehas na bakal sa Lubao, ani Ibay. Beehhhh buti nga! Dipugaaaaa!

Sinabi ni Ibay na si Balucating ay dumating sa bansa galing sa Singapore noong Hunyo 10. Subalit imbes na mag-mandatory quarantine sa Lubao facility, umiwas si Balucating at nagpresenta ang huli ng dokumento galing sa Lubao municipal health unit na puwede siyang mag-quarantine sa ibang lugar. Kaya lang, nabuking ni Pampanga Gov. Dennis Pineda na peke ang dokumento ni Balucating at iniutos kaagad nito ang pag-aresto sa huli.

Sinabi ni Ibay na pinuntahan ng operatiba ng Provincial Intelligence Unit at Lubao police sa kanyang bahay si Balucating subalit wala ito roon. Na-trace ng bataan ni Ibay si Balucating at Dimsom sa Oyo Apartelle/Hometels sa Lt. 669 San Roque St., Sta. Maria, Bgy. Balibago, Angeles City ng bandang 1:55 p.m. noong Biyernes.

Hindi na pumalag ang mag-amo nang arestuhin ng mga pulis. Dipugaaaaa!

Alam n’yo naman mga kosa na mahigpit na pinaiiral ng Department of Health ang health procotols, tulad ng pag-quarantine ng mga Pinoy galing sa abroad para hindi na kumalat pa ang virus sa bansa.

Laman naman ng diyaryo, TV at radyo na ilang barangay officials na ang kinasuhan ng DILG dahil pinayagan nilang magtipun-tipon o mag-swimming ang matitigas ang ulo nating kababayan. Nakaligtaan lang kaya ni Balucating ang advisory na ito ng DOH o talagang nagmamadali lang siyang umuwi sa kanyang pamilya? Dipugaaaaa!

Hindi lang paglabag sa Bayanihan Heal as One Act ang kahaharapin ni Balucating kundi maging ang kasong falsification of public document. Araguuyyyyy! Hehehe! Sana huwag pamarisan pa ng kababayan natin si Balucating! Abangan!

DILG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with