^

PSN Opinyon

Walang pinipiling mabibiktima

K KA LNG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Ang land mines at improvised explosive device (IED) ay tulad din ng coronavirus. Walang pinipili kung sino ang mabibiktima, maging sundalo, CPP-NPA o sibilyan. Ang masama sa mga sandatang iyan ay kapag nabaon na sa lupa, hindi naman masisiguro kung sino ang makakatapak, maliban kung sadyang pinasabog. Hindi nakasisiguro na ang kalaban ang makakatapak at sasabog.

Ganito ang malungkot na sinapit ng magpinsang Kieth at Nolven Absalon habang nagbibisikleta sa Barangay Anas, Masbate City noong Linggo.

Hindi malinaw kung sadyang pinasabog ang bomba o kung ang mga bisikleta ang naging dahilan ng pagsabog pero mukhang may kusang nagpasabog nang dumaan ang mga biktima. Inako ng CPP-NPA ang responsibilidad sa naganap na trahedya at nagpaabot ng pakikiramay at pagsisisi sa pagkamatay ng magpinsan. Handa raw silang magpaabot ng anumang tulong na kakailanganin ng pamilya.

Kinondena naman ng Makabayan Bloc ang NPA. Hini­kayat nila ang pamilya ng mga biktima na magsampa ng reklamo laban sa mga nasa likod ng pagsabog. Hinihingi naman ng AFP sa NPA na isuko ang mga nasa likod ng paglalagay ng bomba. Hindi ko alam kung gagawin ng NPA iyan. 

Ito ang mahirap sa ganitong uri ng labanan. Hindi malinaw ang teritoryo ng mga magkatunggali at madalas napapagitna ang sibilyan. Kung tutuusin, bawal ang gumamit ng landmines o improvised exposive device (IED) kasi hindi nga nakasisiguro kung sino ang mabibiktima. Pero sino ba ang sumusunod sa mga patakarang iyan sa digmaan?

Naging adbokasiya pa nga ni yumaong Princess Diana­ of Wales ang pagbabawal at pagtanggal ng landmines partikular sa Africa. Walang kalaban-laban ang mga sibil­yan na mabibiktima ng mga mina. Katulad ng sinapit ng magpinsang Absalon na nagbibisikleta lamang nang ma­patay.

Isusuko kaya ng NPA ang kanilang tauhan? Titigil na rin ba ang paggamit ng land mines at IED? Sa tingin ko ay hindi. Hangga’t hindi sumusuko ang NPA o tuluyang maging matagumpay ang AFP sa paglaban sa mga  kalaban ng estado, maaaring hindi sina Kieth at Nolven Absalon ang huling mabibiktima ng landmines at IED.

vuukle comment

IED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with