_ngayon
^

PSN Opinyon

#BakunaMakati registration para sa private employees bubuksan na

#PROUDMAKATIZEN - Abby Binay - Pilipino Star Ngayon

Nakatakdang buksan ang online registration para sa pagbabakuna ng mga empleyado ng mga pribadong kompanya at establisimiento sa Makati ngayong araw na ito, Hunyo 7.

Kung inyong matatandaan, isa ito sa mga ipinangako ng lungsod sa mga negosyo sa Makati. Gusto naming gawing madali at ligtas ang proseso para mabakunahan lahat ng kanilang mga empleyado at manggagawa, kahit hindi residente ng Makati. Kasama ito sa tulong at pag-alalay ng lokal na pamahalaan sa pribadong sektor na kina­­bibilangan ng ating magigiting na economic frontliners.

Naniniwala kami na mas mabilis nating makakamit ang tinatawag na “herd immunity” kung karamihan ng indi­biduwal sa ating komunidad ay nakakumpleto na ng bakuna kontra COVID.

Alam naman natin na mas malaki ang populasyon ng Makati kung bibilangin ang mga empleyado ng mga kompanyang nasa lungsod.

Higit sa lahat, kapag ang mga empleyado ay mayroong proteksyon sa sakit, mas maliit din ang tsansang sila ay makapanghawa ng ibang kasama sa trabaho, o sa kani­lang bahay. Makakatulong ito sa pagpapatuloy ng ope­rasyon ng mga kompanya at negosyo, na inaasahang source of income hindi lang ng mga empleyado, kung hindi pati ng pamahalaang lungsod.

Papasok sa category A4.1 Business ang mga emple­yado, ngunit ang mga pribadong kompanyang kanilang pinagtatrabahuhan ang dapat mag pre-register sa https://www.makatibusiness.safemakati.com.

Kailangang i-upload ng kompanya ang kanilang Business ID, notarized certificate, at ang kumpletong listahan ng mga empleyadong babakunahan.

Makakatanggap ang kompanya ng kompirmasyon via email na naglalaman ng individual IDs na siya namang ga­gamitin ng bawat empleyado para mag-register sa covi19vaccine.safemakati.com.

Maaari ring mag-establish ng sariling vaccination site ang mga pribadong kumpanya, lalo na ang may maraming empleyado at 24-7 operations. Magiging mas madali at convenient para sa kanila na doon na mismo sa kanilang building o workspace ibigay ang mga bakuna.

Ngunit, ngayon pa lamang ay nais kong ipaalam na kailangang dumaan sa tamang proseso ng pag-a-apply ang mga pribadong kumpanya at sumunod sa mga requirements at guidelines ng IATF at DOH para sa mga vaccination sites. Kamakailan, ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ang COVID-19 Vaccination Site Standardization Protocol and Registration Process upang isulong ang ligtas at maayos na pribadong vaccination sites. Alamin ang mga detalye nito sa My Makati Facebook page.

Napakahalaga ng patuloy na pagtutulungan ng pribadong sektor at ng lokal na pamahalaan sa pangangalaga ng kalusugan at kaligtasan ng mga empleyadong nagtratrabaho sa Makati araw-araw.

Sa tulong ninyo at tiwala, makakausad tayong lahat at makakabangon mula sa pandemya. Higit sa lahat, mapapangalagaan natin ang kapakanan ng ating mga nasasakupan, kabilang ang business community at kanilang mga manggagawa, kliyente at kostumer.

Makaaasa kayong gagawin natin ang lahat ng mga hakbang para makamit ang isang tunay na #SafeMakati.

COVID-19 VACCINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with