_ngayon
^

Alyas Renel, nagbukas ng jueteng sa Caloocan!

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - June 6, 2021 - 12:00am

HABANG abala si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar sa paglilinis ng hanay ng pulisya, aba sumingit si alyas Renel at nagbukas ng jueteng sa Caloocan City. Nagyayabang pa si Renel na may basbas ng kapulisan ang kanyang ilegal na negosyo. Owwwww? Payag ka ba niyan Gen. Eleazar Sir?

Kung sabagay, open secret naman ‘yan mga kosa na para yumabong ang jueteng sa isang lugar, kailangan nito ang green light ng matataas na opisyales ng PNP at local government units (LGUs). Kaya hindi tayo magtaka kung may basbas din si Renel ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan. Dipugaaaa!

Dati nang nagbukas ng jueteng si Renel sa Caloocan City. Kaya lang mga isang linggo lang, ipinasara ni NCRPO chief Maj. Gen. Vic Danao Jr., ang mga butas niya. Hindi masabi ng mga kosa ko kung bakit nakalusot si Renel kay Danao sa ngayon? Magkano kaya? Ano sa tingin mo Mam Tita? Dipugaaaa!

Kung sabagay, parehas lang ang management ang gamit ni Renel sa katauhan nina Boyong at Tisay sa Bagong Silang at Camarin. Si Boyong ay may kubransang P400,000 sa isang araw samantalang si Tisay naman ay aabot sa P280,000. Ang bola ng winning combination ng jueteng ni Renel ay tuwing 11:00 ng umaga, 4:00 p.m. at 8:00 p.m.

Hayan maliwanag pa sa sikat ng araw ‘yan ha? May sugal lupa pang EZ2 at lotteng sina Boyong at Tisay at nilalabanan din sila ni Renel. Get’s n’yo mga kosa? Teka nga pala! Di ba itong si Renel din ang may pa-jueteng sa Rizal? Ang pinalitan niya ay si John Yap.  Dipugaaaaa!

Kaya nasabi ng mga kosa ko na ilegal ang palaro ni Renel dahil dati na siyang nag-operate sa southern Metro Manila. Nawalis siya sa SPD at kung legal s’ya dapat lumaban s’ya, di ba mga kosa?

Kung sabagay, paulit-ulit na ibinabando ni Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Royina Garma na wala silang pakialam sa palaro ng tropa ni Renel kaya lang ang gamit ng mga kubrador nila na listahan ng taya ay may logo ng PCSO. Dipugaaaaa! Lumalabas na ginogoyo ng tropa ni Renel ang PCSO? Mismoooooo!

Sa pagkaalam ng mga kosa ko may 26 na probinsiya na may palaro ang tropa ni Renel samantalang 15 lang ang pinayagan sa kanila ng Court of Appeals. Abangan!

GUILLERMO ELEAZAR PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with