_ngayon
^

Benta n’yo na ang inyong mga sarili

DURIAN SHAKE - Edith R. Regalado (Pilipino Star Ngayon) - June 6, 2021 - 12:00am

APAT na buwan na lang ang nalalabi bago ang filing ng certificates of candidacy sa mga tatakbo for national offices gaya ng pagka-presidente at bise presidente.

Habang nalalapit ang Oktubre mukhang lahat ay nauubusan na ng panahon upang ipangampanya ang mga sarili nila kung sakali mang tatakbo nga sila sa 2022 national polls.

Ngunit ang lumalabas ngayon ay mas binibigyan pa ng halaga at panahon ng mga pulitiko lalo na ng mga oposisyon na banatan at awayin si President Duterte at ang administrasyon nito. 

Patuloy ang kanilang banat kay Duterte, lahat tinatapon sa kanya, anumang basura ang puwede nilang itapon sa Presidente.

Kaya nga, sige bash n’yo, batikusin n’yo, babuyin n’yo, siraan n’yo, kahit ano gawin n’yo laban kay Duterte. Tawagin n’yo nang pinakamasamang tao at pinakapalpak na presidente si Duterte. Gawin n’yo lahat laban kay Duterte.

Ngunit sa lahat nang ito sana naman ay hindi ninyo nakalimutan ang lessons of 2016 at 2019.

Kasi nga sa patuloy  na paninira ng oposisyon kay Duterte ay naubusan tuloy sila ng panahon para ibenta at ikampanya ang mga sarili nila sa mga botante.

‘Ika nga time is running out at maubusan na kayo ng panahon para sa mga sarili ninyo at makilala kayong mabuti ng mas maraming mamamayan.

Hindi lang natin namalayan at campaign period na pala. Napakaikli at napakalimitado ng campaign period upang maikot ang buong Pilipinas nang makapangampanya. 

Isa pa, para sa mga oposisyon, hindi si Duterte ang kalaban ninyo dahil hindi naman siya tatakbo. Kalaban ninyo ang inyong mga sarili mismo. 

Upang manalo sa darating na halalan, hindi ito limitado at hanggang sa siraan lang si Duterte. Kailangan din ng oposisyon na ibenta at ikampanya mga sarili nila.  

Mahirap ‘yung maubusan kayo ng panahon at paggising ninyo election na pala. Mayo 9, 2022 na pala.

ELEKSYON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with