_ngayon
^

Pulis-Pampanga, sibak sa extortion!

DIPUGA - Non Alquitran (Pilipino Star Ngayon) - June 5, 2021 - 12:00am

WALANG kadala-dala itong ating mga pulis na itinutuloy pa ang raket nila kahit arok nilang nasa kasagsagan ang kampanya ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar na linisin ang hanay nila. Ang huling tatamaan ng lintek ay itong si Cpl. Leomar Calegan, 37, na naaresto, kasama ang apat na miyembro ng Truck Ban Traffic Management Office ng Pampanga, sa kasong pag-extort sa truck drivers sa San Simon exit.

Isinugal ni Calegan ang konting pitsa na kikitain sa raket, sa malaking suweldo niya, pati na ang kinabukasan ng kanyang pamilya. Goodbye na lang sa base pay niyang P30,867. Dipugaaaaaa! Mas mataas pa ang suweldo ni Calegan sa mga nag-oopisina ah!

Si Calegan at apat na taga-TBTMO ay inaresto noong Biyernes ng mga tauhan ni Brig. Gen. Thomas Frias, director ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) sa kanto ng Quezon Road, McArthur Highway at San Simon Exit sa Apalit, Pampanga matapos tanggapin ang pitsa sa isang truck driver. Dinis­armahan kaagad si Calegan ng kanyang issued firearm at may cash pang P804,170 na nakuha sa posis­yon nito.

Ayon kay Col. Tom Ibay, Pampanga police director­, ka­ilangang magpaliwanag si Calegan kung paano siya nagkaroon ng ganun kalaking pera dahil baka maakusahan siya na galing ito sa extortion raket nila ng kanyang mga kakutsaba. Dipugaaaaaa!

Nanawagan si Eleazar sa mga Pinoy na huwag ma­takot magsumbong tungkol sa masamang gawain ng kapulisan. Aniya, paiigtingin niya ang PNP counter-intelligence at palalakasin ang Internal Affairs Service (IAS) na mag-iimbestiga sa mga tiwaling pulis.

“We know the public deserves a clean and disciplined police and we remain on our toes to keep cleaning our ranks under the PNP Intensified Cleanliness Policy. But we can only do this with the support of the community at large,” ani Eleazar. Dipugaaaaa!

Kung sabagay, hindi naman mangingiming sibakin ni Eleazar si Calegan dahil nakatakdang mag-recruit ng PNP ng 17,000 na pulis sa 2021. «Ika nga, maraming pamalit at sa tingin ng mga kosa ko ay mga matitino ang papasok na mga pulis dahil sasalain sila sa recruitment process. Kaya sa mga pulis na mahilig mang-raket, magbago na kayo para gumanda ang inyong buhay at pati pamilya. Dipugaaaaaa! Abangan!

GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with